Ako Mismo

Ako Mismo

Agad akong nag-sign up nang makita ko ang AkoMismo.org — hindi lang dahil Ely Buendia fan ako, kundi dahil nagustuhan ko ang kampanya.

Hinihiling ng Ako Mismo sa mga Pinoy netizens na isulat ang kanilang pangakong gagawin — maliit man o malaki — “tungo sa muling pagbangon ng Pilipinas.”

Sabi nga nila, ang pagbabago’y mag-uugat sa ating sarili. Upang maisulong ang isang rebolusyon, dapat ay magkaroon muna ng pagbabago sa atin mismong pagkatao.

Continue reading

Mensahe ni Kabataan Party Rep. Mong Palatino

Mong PalatinoUpdate from TonyoCruz.com: Mong, as he is more popularly and fondly known, invites everyone to an afternoon of coffee and conversation tomorrow, April 25, 3:00 pm at Kape Tasyo, Anonas, Quezon City. (Kape Tasyo is Freedom Bar at daytime. It is a stone’s throw away from LRT2 Anonas Station.)

Kabilang sa mga bagong party-list representatives na iprinoklama ng Comelec kanina si Raymond Palatino ng Kabataan Party.

Dating UP Student Council chair at pangunahing lider-kabataan noong People Power 2, kasama rin namin si Mong sa TXTPower at Bloggers Kapihan. Kolumnista rin siya ng Tinig.com.

Noong 2007, dinala ng kanyang partido ang kampanya sa Internet sa pamamagitan ng Kabataan Cyber-Fever na nilahukan ng mga kilalang kabataang bloggers.

Message of Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino to the Filipino youth on the historical event of seating the first youth representative in Congress

Five years in the making for the country’s sole youth sectoral party-list, but better late than never and victory is still sweet for all Filipino youth.

Continue reading

Disenyong Pinoy at ang 3 Stars & a Sun

FMCCNoong 2005, nagrereklamo pa ako rito sa blog ko dahil sa kawalan ng disenyong Pilipino sa local clothing brands:

Hindi lamang sa wika may identity crisis ang ating lipunan. Pati sa mga disenyong inilalagay sa mga damit, sa palagay ko’y may problema rin. Halos wala kang makikitang disenyong taal na Pilipino sa mga damit na ibinebenta ng mga lokal na brands natin.

Pati ang Bench at Penshoppe na mga nangungunang Pinoy na tatak ng damit, tila nagpipilit maging mukhang dayuhan.

Pero iba na ngayon. Kahit saan ka pumunta, may mga makakasalubong kang may suot na damit na ipinangangalandakan ang ating pagka-Pilipino.

Continue reading

Kabataan Cyber-Fever

mong_palatinoSa Internet tinapos ng party-list group na Kabataan Party ang kanilang kampanya. Tinawag nilang Kabataan Cyber-Fever ang kanilang huling hirit sa Internet.

Bilang paghahanda sa Kabataan Cyber-Fever, nakipagkita noong Huwebes si Mong Palatino, pangulo ng Kabataan Party, sa mga kapwa niya bloggers.

Kabilang sa mga dumalo sina Shari Cruz (misteryosa.com), ang nanalo ng Best Personal Blog Award sa unang Philippine Blog Awards; Victor Villanueva (bikoy.net), na naging finalist sa parehong kategorya; at Jhay Rocas (Four-eyed Journal), estudyante ng De La Salle University-Dasmarinas.

Naroon din sina Vencer Crisostomo (Student Strike) at Sarah Katrina Maramag (Adarna’s Attic) ng Young Radicals blog, na naglunsad noong 2005 ng matagumpay na Pekeng Pangulo Googlebombing laban kay Pangulong Arroyo. Layunin ng Cyber-Fever na mapagbuklod ang mga Pilipinong blogger sa pagsuporta sa Kabataan Party. Continue reading

Ang Mamamahayag at ang Pagbabago

Para pa rin sa mga estudyanteng naghahanap ng mga talumpati, narito naman ang pananalitang binigkas ng kaibigan at ka-Tinig kong si Alexander Martin Remollino sa Media Summit na isinagawa ng UP College of Mass Communication Student Council noong Setyembre 22, 2006.

Naka-post din ang piyesang ito sa blog ni Alex, ang Our Thoughts are Free, at sa Indymedia Philippines. Muli ko itong ipinost dito nang may pahintulot ng may-akda.

Ang Mamamahayag at ang Pagbabago

Yaong naghahatid sa atin ng balitang-“artista” sa isa sa mga pangunahing istasyon sa telebisyon ay nagtapos sa De La Salle University (DLSU), bagama’t ilang taon bago iyon ay nakikita-kita ko siya sa pinanggalingan kong pamantasan, ang University of Santo Tomas (UST). Yaong katapat niya sa kabilang istasyon ay kilala ng karamihan sa atin bilang nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Continue reading

Para kay Senador Raul Roco

Pumanaw noong Agosto 5 sa edad na 63 ang isang pinunong nagtiwala at tinitingala ng mga kabataan, si dating Senador Raul Roco.

Dating lider-estudyante, si Roco ay naging pinakabatang pangulo ng National Students of the Philippines. Bukod pa sa kanyang matalino at magiting na papel sa impeachment trial laban kay dating Pangulong Joseph Estrada, maalala rin si Roco bilang senador na dalawang beses na tumayo para sa pambansang soberanya. Noong 1991, tinutulan niya ang pagpapanibago ng US military bases, at noong 1998, nilabanan niya ang Visiting Forces Agreement.

Kabilang sa mga pinakamalaking pamana niya sa kabataan ay at ang paglilinis niya ng katiwalian sa Department of Education, at ng pagsusulong ng libreng edukasyon sa pamamagitan ng pagtatanggal sa kung anu-anong kontribusyong sinisingil sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan. Siya rin ang nagsulat ng ?Study Now, Pay Later? program, noong siya?y chief of staff pa ni Ninoy Aqino.

Dalawang beses tumakbo sa pagka-Pangulo si Roco. Dalawang beses ding iba ang pinili ng mga Pilipino. Bagamat noong 2004, ang mga botanteng naniwala at umasa sa pagbabago?sa pagbangon ng bagong Pilipinas?ay nahati sa pagitan nina Roco at Bro. Eddie Villanueva, ang dalawang kampo ay magkasama sa patuloy na pagususulong ng mga prinsipyo ng People Power 2: katotohan, katarungan, malinis at maayos na pamamahala.

Sa kabila ng kanyang karamdaman, patuloy na nakisangkot si Roco sa pambansang usapin. Nang pumutok ang kontrobersiya ng ?Hello Garci,? tulad ni Villanueva ay sinabi niyang dapat nang bumaba sa puwesto si Gloria Macapagal-Arroyo. “Por la patria, resign now,” wika niya. “The problem is they cheated, yet they don’t want to resign. That’s the issue. That is shameful,” saibi pa ni Roco sa isang panayam ng Inquirer.

Bagamat dalawang ulit na ipinagkait sa kanya ang pagkakataong maangkin ang karangalang pagsilbihan ang bayan bilang Pangulo ng Republika, higit na magiging mahalaga ang kanyang mga pahina sa aklat ng ating kasaysayan kaysa sa ibang nakaupo sa trono ngunit binalasubas ang bayan.

Habang pinapanood ko ang 2004 campaign MTV ni Roco matapos kong mabalitaan ang kanyang pagpanaw, tumimo sa aking isipan ang mga linyang ito:

May isang salita at prinsipyo.

Naiisip ko ang nakaupo ngayon sa posisyong ninais ni Roco, at nalulungkot ako. Hindi ko maintindihan kung mas nangibabaw sa eleksyon ang isang taong iba ang sinasabi kaysa sa ginagawa. Nakakapagtakang mas nanaig ang isang pulitikong nag-ipon ng political debts kaysa sa isang lingkod?bayang hindi nangangambang hihina ang kanyang kampanya kahit ayaw niyang tumanggap ng kontribusyon sa mga tao at negosyong kanina-hinala ang intensyon. Pero kapag tumutunog sa cellphone ko ang ?Hello Garci,? nauunawaan ko kung bakit nagkaganoon.

Huwag nating ipanakaw ang bukas.

Naiisip ko ang nakaupo ngayon sa posisyong ninais ni Roco, at nagagalit ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na ninakaw ang boto ng bayan, nananatiling nakaupo ang umagaw sa ating karapatang pumili. Kahit tumunog muli ang ?Hello, Garci,? nagtataka pa rin ako.

Naiisip kong sana, alang-alang sa alaala ni Roco, maisip nating tumayo at bawiin ang karapatang inagaw sa atin.

Paminsan-minsan lamang dumarating sa atin ang mga kagaya ni dating Senador Raul Roco. Kadalasan, hinahayaan lang natin silang mag-isang pagsumikapan ang isang bagong Pilipinas. Pero sa kanilang paglisan, inuulan natin sila ng parangal at papuri. Nawa?y hindi manatiling ganito ang katapusan ng kuwento ng mga totoo at makabayang lingkod ng bayan.

VP Guingona at ang Bangon!

Bangon!

Teddy Benigno, Vice President Teofisto Guingona, Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, and Akbayan Rep. Etta Rosales during the launch of Bangon! at Club Filipino. (Lawaran mula sa INQ7.net)

“As I live and breath, I say — I do not intend to stand as a candidate in 2004. Kahit wala sa posisyon, I can still be an instrument for change, like what I did during martial law.”

Hindi na tatakbo sa 2004 si Pangulong Teofisto Guingona. Sa halip, tinanggap niya ang pamumuno sa Bangon! nationalist movement, isang bagong kilusan ng mga makabayang organisasyon at indibidwal.

Dala ang pakikiisa at suporta ng mga makabayan, inaasahang magsisilbing “third force” sa political arena ang Bangon! Isusulong ng Bangon! ang nasyonalismo at malinis na pamamahala upang mabigyang pag-asa at maiangat ang kamalayan ng mga Pilipino.

Itataguyod nito ang mga reporma at pagkilos laban sa katiwalian, babantayan ang pangangasiwa ng katarungan sa bansa, at tutulong upang maging malinis at tapat at pambansang halalan sa 2004.

Kabilang sa mga lider ng Bangon! sina dating Sen. Bobby Tañada at Philippine Star Columnist Teddy Benigno at dumalo naman sa paglulunsad nito sina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Akbayan Rep. Etta Rosales, Bagong Alyansang Makabayan SecGen Teddy Casiño, at iba pang kilalang makabayan.

Continue reading