Biyaheng Marinduque

Bumibiyahe ako papuntang Marinduque ngayon para sa binyag ng panganay ng pinsan at kaibigan kong itago na lang natin sa pangalang Jay. Ito na rin ang pagkakataon kong dalawin si Nanay bago mag-Pasko dahil ‘di ako makakauwi ngayong taon.

Pero lilinawin ko lang na ‘di ako nagrereklamo na magtatrabaho ako nang Pasko kasi ginusto ko ito. Pinili ko ito. Noong tinanggap ko ang trabahong ito, alam ko ang pinasok ko. Alam kong ang mga sakripisyong ganito, bahagi ng buhay sa media na niyakap ko.

So ‘yun. Dahil sa nitong mga nakalipas na araw ay liveblogging at social media aggregation ang inasikaso ko sa office para sa coverage namin ng Bagyong Ruby, naisip kong i-liveblog din ang biyahe ko. Ia-update ko ang entry na ito hangga’t nakikisama ang baterya at Internet signal ng aking smartphone.

2:19 p.m. Home sweet home! Kuwentuhan muna kami ni Nanay. πŸ™‚

Salamat sa pagbabasa!

1:51 p.m. Tricycle na pa-Ipil. Tama na muna. Baka malaglag ang phone ko kapag nalubak kami. Hehe.

1:44 p.m. Ang simbahan ng Parokya ng Banal na Krus (Holy Cross Parish):

IMG_0565.JPG

12:47 p.m. Now in Sta. Cruz poblacion. May ilang daraanan lang, tapos sasakay na ako sa tricycle papuntang Ipil.

11:51 a.m. Nakasakay na ako sa van papuntang Sta. Cruz. Biyahe na ulit.

11:42 a.m. Nasa Balanacan Port na kami!

Ito ang Our Lady of Biglang Awa, patron ng lalawigan.

IMG_0561-0.JPG

11:29 a.m. Malapit na kami sa Balanacan. Kita na ang mga isla. πŸ™‚

10:07 a.m. Nagsimula na ang biyahe ng ferry!

10:06 a.m. Umaandar na ang makina ng barko. Mukhang aalis na kami.

May taga-Coast Guard na pumasok kanina at nag-video.

10:02 a.m. Ang schedule, 10 a.m. Pero siyempre, Filipino time. Siguro aalis ito pagkatapos ng mga ilang minuto pa.

Natuwa naman ako nang makita kong may seat numbers na. Dati, labo-labo na pagsakay sa barko. Improving, di ‘ba?

Tapos, GMA-7 pa ang palabas sa TV nila. πŸ™‚

9:36 a.m. Nakasakay na ako sa M/V City of Dapitan ng Montenegro Lines. A few minutes ago, tinawag na ang mga pasahero ng fast craft. Binilisan ko ang pagpunta sa barko. Bale pangatlo ako sa mga pasaherong pumasok.

IMG_0559-0.JPG

9:23 a.m. ‘Di naman ako lumipat ng building, pero sobrang bagal na ng Internet connection ko. Mamaya na lang ulit.

9:00 a.m. Isang oras na lang! πŸ™‚

8:50 a.m. Nagkakape.

May nag-on kanina ng TV rito sa terminal. Nanonood ngayon ‘yung mga nagtatrabaho rito at ilang pasahero. Mga eksena sa basketball ang ipinakikita. Tawa nang tawa ang mga nanonood.

Continue reading

Bagong taon na naman

Taghirap at puno ng kontrobersiya ang lumipas na taong 2007. Pero nagdala rin ito ng magandang pagbabago sa akin. Eto na ang long-delayed (parang Palm Web OS, kay tagal nating hinintay) New Year Entry ko. Simulan natin sa kategorya ng Buhay at Pag-ibig:

Noong Enero, magkakasama kami ni Mhay at ng kanyang parents na um-attend sa kickoff ng UP Centennial celebration. Magkakasama naming pinagmasdan ang makukulay na fireworks habang taas-kamaong umaawit ng UP Naming Mahal.

Nang sumunod na buwan, sinamahan namin ng tiyo ko si Nanay Diding sa isang ospital sa Lucena para ipatanggal ang tubig na nagpapasakit sa kanyang tuhod. Nakauwi rin ako sandali sa Marinduque ang ihatid ko si Nanay.

Continue reading

Blogging from home

May mga dalawang oras na mula nang makarating ako rito sa bahay namin sa Marinduque, pagkatapos ng may kalahating araw na biyahe. Umalis ako sa Kamuning around 8am: Jeep -> bus -> tambay sa port kasi naiwan ng barko -> barko -> jeep -> tricycle, at nakarating sa bahay around 8pm.

Nakahiga na si Nanay Diding nang dumating ako. Patulog na yata sila, pero nabulabog sa pagdating ng panganay niyang apo. Nung birthday pa niya earlier this year ako huling nakauwi. After kong ibigay ang mga pasalubong kina Nanay, kumain muna saka kami tumawag sa mga tiya ko sa Germany.

Sa ngayon, nakadapa ako sa banig na nakalatag sa sahig na kawayan ng munti naming bahay. Ayoko sanang magkulambo pero mukhang mapipilitan ako dahil nagpapakitang gilas na ang mga lamok. Tila gusto pa ngang makipag-agawan ng kanilang ugong sa huni ng mga kuliglig sa paligid.

Share ko lang: Dati’y pangarap ko lang siguro na balang araw ay magkakaroon ako ng Internet connection at makakapag-blog habang narito’t padapa-dapa nang ganito. Nagkatotoo rin. Salamat sa Yahoo! at sa Smart Bro! πŸ˜€

Continue reading

Bakasyon

Kahit nakakapagod, masaya ako’t nakauwi’t nakapagbakasyon ako sa Marinduque nitong nakalipas na Semana Santa. Bago ito, hindi bababa sa tatlong magkakasunod na Holy Week na ang lumipas na hindi ko nagugol sa amin sa Marinduque dahil sa trabaho ko rito sa Maynila.

Sa pagkakaalala ko, ang huling Semana Santa na ginugol ko sa Marinduque β€” maliban sa ngayong taon nga β€” ay noon pang 2002. Umuwi ako kasabay ang mga kaibigan ko sa Peyups.com. Medyo napahiya nga ako dahil parang penitensya ang biyahe. Matapos maghintay nang mahigit kalahating araw yata sa pier, nagmukha kaming mga refugees na may katiting lamang na espasyo sa sinakyan naming bapor. Pagdating sa Marinduque, namalagi kami sa isang isla at nag-overnight doon.

Continue reading

Remembering Mama

Evelyn and Ederic Eder

Eleven years ago today, I lost my mother in a sea tragedy. She was one of the passengers of the M/V Viva Antipolo VII, which caught fire and sank when it was only 30 minutes away from the port of Lucena City.

Before the accident happened, Mama and I had been preparing for my first semester in the University of the Philippines. After we had fulfilled the prerequisites for enrollment, she went back to Marinduque to raise money for my tuition. While she was there, she received an invitation for me to apply for a private scholarship grant. She hurriedly accomplished the application forms, secured the required documents, and sailed back to the city aboard the ill-fated ferry.

When rescuers found Mama’s body, she was clutching her bag that had the scholarship application forms and some cash, among other things. Continue reading