Throwback: Gabay Guro Grand Gathering 2017

Baeby Baste, Maine Mendoza, at Alden Richards sa PLDT Gabay Guro Grand Gathering 2017 noong September 17, 2017 sa MOA Arena.

Sa mga pagtitipong napuntahan ko sa nakalipas na mga taon, isa sa mga pinakadinaluhan ng maraming mga bituin ang PLDT Gabay Guro Grand Gathering sa Mall of Asia Arena noong isang taon.

Isang concert na nagsisilbing pagpupugay sa mga gurong Pilipino ang taunang grand gathering na proyekto ng Gabay Guro, ang education advocacy program ng PLDT-Smart Foundation.


Continue reading “Throwback: Gabay Guro Grand Gathering 2017”

You To Me Are Everything

Dingdong Dantes at Marian RiveraPara sa mga tagahanga nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, magandang balita: palabas na sa Mayo 5 ang bago nilang pelikula, ang “You To Me Are Everything.”

Ano ang mangyayari kapag nagkatagpo at nagkapalit ng katayuan sa buhay sina Iska (Marian), isang masayahing Igorota mula sa kabundukan ng Benguet at Raphael (Dingdong), na anak ng isang mayamang politiko?

Mula sa Regal Entertainment, Inc. at GMA Films, ang romantic comedy na ito ay pelikula ni Direk Mark A. Reyes.

Continue reading “You To Me Are Everything”

Darna

Marian Rivera as Darna (GMA Photo)
Marian Rivera as Darna (GMA Photo)
Simula ngayong gabi, muli na namang lilipad si Darna — ang Filipina superhero na tagapagtaguyod ng kapayapaan at katarungan at kalaban ng kasamaan.

Pareho kong paborito ang dalawang lead star sa bagong Darna ng GMA-7: si Marian Rivera bilang Narda/Darna, at si Mark Anthony Fernandez bilang Eduardo, ang katipan ni Narda. Unang pagtatambal nila ito.

Si Marian, na unang nakilala at minahal ng mga manonood bilang Mari Mar, ang siya ring gumanap bilang Dyesebel, isa pang obra ng dakilang nobelista sa komiks na si Mars Ravelo (na mas karapatdapat maunang maging national artist). Sidekick ni Marian sa Dyesebel ang batang si Robert “Buboy” Villar, na siya namang gaganap ngayon bilang Ding.

Continue reading “Darna”

Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang

angbabaenghinugotsaakingtadyang

Medyo nag-iinarte ang tagiliran at likod ko lately. Yun bang malapit sa may parteng tadyang. Ewan ko kung bakit. Baka dapat, magpa-check up na ako as soon as possible.

Speaking of tadyang, noong January 29 ay um-attend ako sa press launch ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, ang telenovela ng GMA-7 na kasalukuyang ipinapalabas tuwing weeknights at pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Continue reading “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang”