Congratulations sa 2018 RAWR Awards winners

MayWard at 2018 RAWR Awards

Dumalo ako sa awarding ceremony ng RAWR Awards 2018 nitong Nobyembre 14 sa Le Rêve Events and Pool Party Venue sa Quezon City. Taon-taon, kinikilala ng RAWR Awards ang para sa blogging community, mga tagahanga at mga mambabasa, at industry leaders ay pinakamaniningning na mga bituin sa Philippine entertainment.

Ang RAWR Awards ay pinangungunahan ng entertainment blog na LionhearTV ng kapwa ko blogger at dating katrabaho na si Mc Richard Paglicawan.
Continue reading “Congratulations sa 2018 RAWR Awards winners”

Throwback: Gabay Guro Grand Gathering 2017

Baeby Baste, Maine Mendoza, at Alden Richards sa PLDT Gabay Guro Grand Gathering 2017 noong September 17, 2017 sa MOA Arena.

Sa mga pagtitipong napuntahan ko sa nakalipas na mga taon, isa sa mga pinakadinaluhan ng maraming mga bituin ang PLDT Gabay Guro Grand Gathering sa Mall of Asia Arena noong isang taon.

Isang concert na nagsisilbing pagpupugay sa mga gurong Pilipino ang taunang grand gathering na proyekto ng Gabay Guro, ang education advocacy program ng PLDT-Smart Foundation.


Continue reading “Throwback: Gabay Guro Grand Gathering 2017”

Destined To Be Yours

Destined To Be Yours

Matapos ang ilang panahong paghihintay, dumating na ang pinananabikan ng mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza. Siguradong nagbubunyi ang AlDub Nation dahil nagsimula na ngayong gabi ang teledramang “Destined to be Yours” sa GMA-7.

Sa unang episode (na mapapanood sa ibaba), ipinakilala ang mga tauhang ginagampanan ng  phenomenal loveteam at ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Continue reading “Destined To Be Yours”

Mga pagbati at reaksiyon sa #ALDUBWedding

Alden Richards at Maine Mendoza

Naganap na ang pinakahihintay ng AlDub Nation — ang kasalan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ang mga tagahanga at mga kaibigan ng AlDub, pati na ang ilang celebrity at institutions, agad na nagpaabot ng pagbati sa TV characters na minamahal at sinusubaybayan ng marami. Nakakaaliw rin ang ilang reaksiyon sa kasalan.

Continue reading “Mga pagbati at reaksiyon sa #ALDUBWedding”