Boybastos.com noon, thepinoytube ngayon

Kung noon ay ay BoyBastos.com ang nais ipasara ni Senador Loren Legarda, ngayon ay thepinoytube.com naman ang target niya.

Isang concerned citizen daw ang nag-email sa opisina ng senador upang ireklamo ang paglalagay ng nasabing website ng iba’t ibang uri ng pornographic materials, pati yaong nambibiktima sa mga menor de edad, ayon sa ulat ng PinoyPress at GMANews.tv.

Sa oras na isinusulat ito ang latest videos sa thepinoytube.com ay ang mga sumusunod: “naglaro nang deldo”, “huli sa hagdanan”, “kinantot ang gf bilis”, “LUV MAKING”, at “reychellicious”. Ilan naman sa mga top-rated videos ang “Yummy Webcam Show”, “ganda_na_bata_pa_in_cam”, “I Love You Bhebhe Scandal”, “First time ni nene”, at “boardmate”. Hindi ko lang mapanood dahil wala akong account sa thepinoytube.com.
Continue reading

Hindi ako si Boy Bastos

“Hoy, boybastos.com… Musta na?” text sa akin kanina ng isa sa mga kababata at kaibigan ko. Napanood niya kasi ito:


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Update: Lumabas na rin ang report sa Saksi.

Bago lumabas ang pahayag ni Senador Loren Legarda tungkol sa boybastos.com noong Setyembre 5, isa lamang ang website na ito sa napakaraming online community ng mga Pinoy. Maaaring hindi ito kasingsikat ng PinoyExchange.com na tambayan ni aajao, pero ‘di hamak na mas matao ito kaysa sa aking Tinig.com.

Pero kakaiba ang boybastos.com na puno ng mga balita tungkol sa mga tsiks at Boy Bastos jokes–para ito sa mga taong malilibog (‘ika nga nila, sino ba ang hindi?)!

Continue reading

Loren, Loren Sinta

Lumabas ng Lakas-CMD si Senador Loren Legarda. Ginawa raw niya ito upang malayang makapagpahayag ng kanyang mga saloobin sa mga pambansang usapin nang hindi nalalabag ang patakaran ng partidong ngayo’y nagkakawatak-watak.

Pero isa sa mga obvious na dahilan ay ang napipintong pagtakbo ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa 2004. Alam nating lahat na nais ni Loren na maging pangalawang pangulo at hindi inaasahang magpapatakbo ng tandem na binubuo ng dalawang babae ang Lakas.

(Napapa-roll eyes si cyberfriend Perfectly Sassy sa ganitong ideya.)

Sabi ni VP Tito Guingona, “the party’s loss is our people’s gain. I am saddened but I fully respect and accept Loren’s declaration of independence.”

Sana nga para maging malaya ang paglayas ni Loren sa Lakas, at hindi para kumabit sa tiket ni Danding Cojuangco, isang negosyanteng pinaniniwalaang nagpasasa sa buwis ng mga magniniyog na kinabibilangan ng Lolo at Lola ko.

Kung ang kanyang pag-alis ng Lakas ay para yakapin si PacMan, tuluyan nang mamamatay ang umaandap-andap na paniniwala kong balang araw, si Loren–na may matuwid na mga posisyon sa mga usapin ng soberanya at kasarinlan, usapang pangkapayapaan at karapatang pantao, at kalikasan–ay posibleng maihanay sa mga maprinsipyo at makabayang lider tulad nina Recto, ng mag-amang Tañada, Diokno, Salonga, at Guingona.