Mga pagbati at reaksiyon sa #ALDUBWedding

Narito ang mga reaksiyon at pagbati sa kasal ng Eat Bulaga Kalyeserye couple na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Naganap na ang pinakahihintay ng AlDub Nation — ang kasalan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ang mga tagahanga at mga kaibigan ng AlDub, pati na ang ilang celebrity at institutions, agad na nagpaabot ng pagbati sa TV characters na minamahal at sinusubaybayan ng marami. Nakakaaliw rin ang ilang reaksiyon sa kasalan.

Continue reading “Mga pagbati at reaksiyon sa #ALDUBWedding”

Paboritong AlDub prenup photos

Narito ang mga paborito naming AlDub prenup photos. Pareho ba tayo ng mga napili?

Matapos ang pamamanhikan nitong weekend, inilabas kahapon ng Eat Bulaga ang prenup photos nina Alden Richards at Maine Mendoza bilang Alden at Yaya Dub ng Kalyeserye. Sa mahigit 150 litrato, pumili kami ni M ng 16 na paborito namin.

Continue reading “Paboritong AlDub prenup photos”

Sorpresa ng AlDub sa Kalyeserye

Sa pagbabalik ng Kalyeserye ng Eat Bulaga kahapon, nagkaubusan na naman ng oxygen sa Aldub Nation.

Mahigit isang buwan makalipas ang pagtatapos ng unang aklat ng Kalyeserye ng Eat Bulaga, naganap na ang inaabangang pagbabalik ng kuwentong mahigit isang taong tinangkilik ng mga manonood. Ang pagbabalik na ito, may kasama palang sorpresa!

Continue reading “Sorpresa ng AlDub sa Kalyeserye”

Guinness: #AlDubEBTamangPanahon most used Twitter hashtag in 24 hours

#AlDubEBTamangPanahon was the most used hashtag in 24 hours on Twitter, according to Guinness World Records.

Guinness World Records on Monday said #AlDubEBTamangPanahon was the most used hashtag in 24 hours on Twitter.

In an article celebrating the 10th anniversary of the microblogging site, Guinness said #AlDubEBTamangPanahon was used 40,706,392 times from October 24 to 25, 2015. 

Continue reading “Guinness: #AlDubEBTamangPanahon most used Twitter hashtag in 24 hours”

Aldub: Ang simula

Paano nga ba nabuo ang Aldub?

Laging bukambibig ng maraming Pilipino ngayon ang tambalang Aldub na binubuo nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub. Sila ang naghahatid ng kilig at kasiyahan sa atin tuwing tanghalian.

Kung dati, naiinis tayo sa mga patalastas sa TV, ngayo’y kinasasabikan nating mapanood ang commercial ng Aldub. Araw-araw na nagte-trend sa Twitter ang mga hashtag na may kaugnayan sa paborito nating loveteam, at nakapagtala pa nga nang mahigit sa anim na milyong tweets sa loob ng 24 oras ang hashtag na #ALDUBTheAbduction noong Sabado. Usong-uso ang signature kaway nilang pabebe wave, at nai-LSS tayo sa mga kantang “God Gave Me You” at “Thinking Out Loud.” Sa loob at labas ng bansa, kinababaliwan ng mga Pinoy ang Aldub.

Continue reading “Aldub: Ang simula”