Ako Mismo

Ako Mismo

Agad akong nag-sign up nang makita ko ang AkoMismo.org — hindi lang dahil Ely Buendia fan ako, kundi dahil nagustuhan ko ang kampanya.

Hinihiling ng Ako Mismo sa mga Pinoy netizens na isulat ang kanilang pangakong gagawin — maliit man o malaki — “tungo sa muling pagbangon ng Pilipinas.”

Sabi nga nila, ang pagbabago’y mag-uugat sa ating sarili. Upang maisulong ang isang rebolusyon, dapat ay magkaroon muna ng pagbabago sa atin mismong pagkatao.

Continue reading

Mensahe ni Kabataan Party Rep. Mong Palatino

Mong PalatinoUpdate from TonyoCruz.com: Mong, as he is more popularly and fondly known, invites everyone to an afternoon of coffee and conversation tomorrow, April 25, 3:00 pm at Kape Tasyo, Anonas, Quezon City. (Kape Tasyo is Freedom Bar at daytime. It is a stone’s throw away from LRT2 Anonas Station.)

Kabilang sa mga bagong party-list representatives na iprinoklama ng Comelec kanina si Raymond Palatino ng Kabataan Party.

Dating UP Student Council chair at pangunahing lider-kabataan noong People Power 2, kasama rin namin si Mong sa TXTPower at Bloggers Kapihan. Kolumnista rin siya ng Tinig.com.

Noong 2007, dinala ng kanyang partido ang kampanya sa Internet sa pamamagitan ng Kabataan Cyber-Fever na nilahukan ng mga kilalang kabataang bloggers.

Message of Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino to the Filipino youth on the historical event of seating the first youth representative in Congress

Five years in the making for the country’s sole youth sectoral party-list, but better late than never and victory is still sweet for all Filipino youth.

Continue reading

Basura

 

Bloggers Unite - Blog Action Day

Di man ako modelo ng isang tunay na environmentalist–may mga gawain akong di maiwasan gaya ng pagkain sa mga fastfood na gumagamit ng styro, at iba pang mga bagay–may isang gawi ako na kahit paano’y maliit sigurong ambag para sa kalikasan. Eto ang malatalumpating pagtalakay ko tungkol dito para sa pandaigdigdang Blog Action Day for the Environment:

Kapag nasa dyip ako at may batang biglang nagtapon sa bintana ng balat ng kendi, nagugulat ako. Kapag matanda, ang pagkagulat ay nasusundan ng palihim na pagtingin nang masama.

Lagi kong naitatanong sa aking sarili kung bakit ang turing nating mga Pinoy sa ating kapaligiran ay isang malaking basurahan. Tapon doon, tapon dito, ‘ika nga ng isang lumang kanta. Mabuti kung mga dahon at papel lang ang itinatapon natin, e kadalasa’y mga plastik at iba pang bagay na di naman maaaring humalo nang kusa sa lupa. Continue reading

Kabataan Cyber-Fever

mong_palatinoSa Internet tinapos ng party-list group na Kabataan Party ang kanilang kampanya. Tinawag nilang Kabataan Cyber-Fever ang kanilang huling hirit sa Internet.

Bilang paghahanda sa Kabataan Cyber-Fever, nakipagkita noong Huwebes si Mong Palatino, pangulo ng Kabataan Party, sa mga kapwa niya bloggers.

Kabilang sa mga dumalo sina Shari Cruz (misteryosa.com), ang nanalo ng Best Personal Blog Award sa unang Philippine Blog Awards; Victor Villanueva (bikoy.net), na naging finalist sa parehong kategorya; at Jhay Rocas (Four-eyed Journal), estudyante ng De La Salle University-Dasmarinas.

Naroon din sina Vencer Crisostomo (Student Strike) at Sarah Katrina Maramag (Adarna’s Attic) ng Young Radicals blog, na naglunsad noong 2005 ng matagumpay na Pekeng Pangulo Googlebombing laban kay Pangulong Arroyo. Layunin ng Cyber-Fever na mapagbuklod ang mga Pilipinong blogger sa pagsuporta sa Kabataan Party. Continue reading

Para kay Senador Raul Roco

Pumanaw noong Agosto 5 sa edad na 63 ang isang pinunong nagtiwala at tinitingala ng mga kabataan, si dating Senador Raul Roco.

Dating lider-estudyante, si Roco ay naging pinakabatang pangulo ng National Students of the Philippines. Bukod pa sa kanyang matalino at magiting na papel sa impeachment trial laban kay dating Pangulong Joseph Estrada, maalala rin si Roco bilang senador na dalawang beses na tumayo para sa pambansang soberanya. Noong 1991, tinutulan niya ang pagpapanibago ng US military bases, at noong 1998, nilabanan niya ang Visiting Forces Agreement.

Kabilang sa mga pinakamalaking pamana niya sa kabataan ay at ang paglilinis niya ng katiwalian sa Department of Education, at ng pagsusulong ng libreng edukasyon sa pamamagitan ng pagtatanggal sa kung anu-anong kontribusyong sinisingil sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan. Siya rin ang nagsulat ng ?Study Now, Pay Later? program, noong siya?y chief of staff pa ni Ninoy Aqino.

Dalawang beses tumakbo sa pagka-Pangulo si Roco. Dalawang beses ding iba ang pinili ng mga Pilipino. Bagamat noong 2004, ang mga botanteng naniwala at umasa sa pagbabago?sa pagbangon ng bagong Pilipinas?ay nahati sa pagitan nina Roco at Bro. Eddie Villanueva, ang dalawang kampo ay magkasama sa patuloy na pagususulong ng mga prinsipyo ng People Power 2: katotohan, katarungan, malinis at maayos na pamamahala.

Sa kabila ng kanyang karamdaman, patuloy na nakisangkot si Roco sa pambansang usapin. Nang pumutok ang kontrobersiya ng ?Hello Garci,? tulad ni Villanueva ay sinabi niyang dapat nang bumaba sa puwesto si Gloria Macapagal-Arroyo. “Por la patria, resign now,” wika niya. “The problem is they cheated, yet they don’t want to resign. That’s the issue. That is shameful,” saibi pa ni Roco sa isang panayam ng Inquirer.

Bagamat dalawang ulit na ipinagkait sa kanya ang pagkakataong maangkin ang karangalang pagsilbihan ang bayan bilang Pangulo ng Republika, higit na magiging mahalaga ang kanyang mga pahina sa aklat ng ating kasaysayan kaysa sa ibang nakaupo sa trono ngunit binalasubas ang bayan.

Habang pinapanood ko ang 2004 campaign MTV ni Roco matapos kong mabalitaan ang kanyang pagpanaw, tumimo sa aking isipan ang mga linyang ito:

May isang salita at prinsipyo.

Naiisip ko ang nakaupo ngayon sa posisyong ninais ni Roco, at nalulungkot ako. Hindi ko maintindihan kung mas nangibabaw sa eleksyon ang isang taong iba ang sinasabi kaysa sa ginagawa. Nakakapagtakang mas nanaig ang isang pulitikong nag-ipon ng political debts kaysa sa isang lingkod?bayang hindi nangangambang hihina ang kanyang kampanya kahit ayaw niyang tumanggap ng kontribusyon sa mga tao at negosyong kanina-hinala ang intensyon. Pero kapag tumutunog sa cellphone ko ang ?Hello Garci,? nauunawaan ko kung bakit nagkaganoon.

Huwag nating ipanakaw ang bukas.

Naiisip ko ang nakaupo ngayon sa posisyong ninais ni Roco, at nagagalit ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na ninakaw ang boto ng bayan, nananatiling nakaupo ang umagaw sa ating karapatang pumili. Kahit tumunog muli ang ?Hello, Garci,? nagtataka pa rin ako.

Naiisip kong sana, alang-alang sa alaala ni Roco, maisip nating tumayo at bawiin ang karapatang inagaw sa atin.

Paminsan-minsan lamang dumarating sa atin ang mga kagaya ni dating Senador Raul Roco. Kadalasan, hinahayaan lang natin silang mag-isang pagsumikapan ang isang bagong Pilipinas. Pero sa kanilang paglisan, inuulan natin sila ng parangal at papuri. Nawa?y hindi manatiling ganito ang katapusan ng kuwento ng mga totoo at makabayang lingkod ng bayan.

Pag-asa ng bayan?

Sa tuwing sasapit ang simula ng pasukan, natututok sa mga kabataang mag-aaral ang atensiyon ng lipunan. Kasabay ng paulit-ulit na pagpasok sa paaralan at pag-atend ng mga klase, muli at muli ring naririnig ang mga katagang “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Para itong sirang plakang nagpipilit magbulong ng isang lihim na mensahe sa atin.

Ngunit sa gitna ng kalagayang ito ng ating bansa, may saysay pa ba ang tinurang iyan ni Dr. Jose Rizal?

Bagamat masasabing sanay na tayo sa paghihirap, mas matindi ang hagupit nito ngayon. Sa panay-panay na pagtaas ng langis, sumusunod ang pamasahe, ang bayad sa kuryente, at ang presyo ng bilihin sa pangkalahatan. Samantalang bumubulusok ang tunay na halaga ng piso, katiting na dagdag sa suweldo lamang ang ipinatikim sa mga manggagawang magulang ng mga mag-aaral.

Hindi lamang krisis sa pangkalagayang ekonomiya ng mga mamamayan ang umiiral. Pati krisis sa pulitika ay tumitindi. Niyayanig ng mga eskandalo ang mismong pinakamataas na pamunuan ng bansa. Hindi maiwasan ng Pangulo at ng kanyang pamilya ang mga akusasyon na nag-uugnay sa kanila sa ilegal na sugal na jueteng.

Ang patuloy na pagbagsak ng popularidad ng mga lider ay dala marahil ng isa pang krisis: ang krisis naman sa dimensyong moral. Anong halimbawa ng pamantayang moral ang makikita ng mga kabataan kung mismong ang mga lider ay nagsisinungaling? Paano ang iaangat ang moralidad ng bansa kung ang mga opisyal nito ay patuloy na kumakapit sa bulok na tradisyon ng padrinuhan?na nagbubunsod ng katiwalian?

Samantala, ang edukasyon ay patuloy na nagiging komersyalisado. Nagsusulputan ang mga paaralang ang layunin ay kumita lamang at walang pakialam sa kalidad ng edukasyong inilalako nila.

Kasabay nito ang lalong pamamayagpag ng midyang naghahatid ng pagkalibang sa halip na kaalaman. At dahil galing dito ang binhing naitatanim sa murang isip ng mga kabataan, hindi kataka-takang ang pambansang pangarap ng mga kabataan ngayon ay ang maging artista.

Sa halip na mag-aral, pumasok na lamang sa showbiz. At kapag artista ka na, maaari kang pumasok sa pulitika. At kapag naroon na, ansaya-saya! Konting pasikat, konting bola, konti sayaw, konting ngiti at kindat, maaari ka nang maging senador o kahit presidente man. Magkunwari ring progresibo at makamasa para makatiyak na kakagatin ka. Pagdating sa itaas, ilagay sa puwesto ang mga kakilala at kabarkada ng asawa. At magsinungaling habang nagpapakasasa.

Samantala, walang ipinagbabago ang sitwasyon ng karaniwang tao. At mula sa kanilang hanay, uusbong at susugod sa audition ang panibagong “pag-asa ng bayan.”

Huwag sanang tuluyang maging ganyan ang kuwento ng ating mga “pag-asa ng bayan.”