Walang hiya

palaka

Sigurado akong nabalitaan na nilang ayaw ng mga mamamayan na baguhin ang Saligang Batas, lalo na sa ngayon.

Malamang, nabasa na nila sa mga balita na hindi pabor ang taumbayan sa constituent assembly bilang pamamaraan ng pagbabago ng konstitusyon, kung sakali mang makumbinsi ang mga tao na kailangan ngang mag-chacha.

Nasa ibang planeta sila kung di pa nila nalalamang naniniwala ang mga Pilipino na ang Charter change ngayon ay may layuning palawigin ang dapat ay matagal nang natapos na termino ni Gloria Arroyo.

Continue reading “Walang hiya”

Mensahe ni Kabataan Party Rep. Mong Palatino

Mong PalatinoUpdate from TonyoCruz.com: Mong, as he is more popularly and fondly known, invites everyone to an afternoon of coffee and conversation tomorrow, April 25, 3:00 pm at Kape Tasyo, Anonas, Quezon City. (Kape Tasyo is Freedom Bar at daytime. It is a stone’s throw away from LRT2 Anonas Station.)

Kabilang sa mga bagong party-list representatives na iprinoklama ng Comelec kanina si Raymond Palatino ng Kabataan Party.

Dating UP Student Council chair at pangunahing lider-kabataan noong People Power 2, kasama rin namin si Mong sa TXTPower at Bloggers Kapihan. Kolumnista rin siya ng Tinig.com.

Noong 2007, dinala ng kanyang partido ang kampanya sa Internet sa pamamagitan ng Kabataan Cyber-Fever na nilahukan ng mga kilalang kabataang bloggers.

Message of Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino to the Filipino youth on the historical event of seating the first youth representative in Congress

Five years in the making for the country’s sole youth sectoral party-list, but better late than never and victory is still sweet for all Filipino youth.

Continue reading “Mensahe ni Kabataan Party Rep. Mong Palatino”

Kabataan Cyber-Fever

mong_palatinoSa Internet tinapos ng party-list group na Kabataan Party ang kanilang kampanya. Tinawag nilang Kabataan Cyber-Fever ang kanilang huling hirit sa Internet.

Bilang paghahanda sa Kabataan Cyber-Fever, nakipagkita noong Huwebes si Mong Palatino, pangulo ng Kabataan Party, sa mga kapwa niya bloggers.

Kabilang sa mga dumalo sina Shari Cruz (misteryosa.com), ang nanalo ng Best Personal Blog Award sa unang Philippine Blog Awards; Victor Villanueva (bikoy.net), na naging finalist sa parehong kategorya; at Jhay Rocas (Four-eyed Journal), estudyante ng De La Salle University-Dasmarinas.

Naroon din sina Vencer Crisostomo (Student Strike) at Sarah Katrina Maramag (Adarna’s Attic) ng Young Radicals blog, na naglunsad noong 2005 ng matagumpay na Pekeng Pangulo Googlebombing laban kay Pangulong Arroyo. Layunin ng Cyber-Fever na mapagbuklod ang mga Pilipinong blogger sa pagsuporta sa Kabataan Party. Continue reading “Kabataan Cyber-Fever”