Ngayong Sabado sa Ka-blog: Boys will be Boys, DIY Fashion, Ex-Education

Ka-Blogs: Lucky Mark Mercado, Mico Aytona, Andrea Torres and Monica Verallo

Ka-Blogs: Lucky Mark Mercado, Mico Aytona, Andrea Torres and Monica Verallo

GMA-7 Press Release

Ang coolest teen tambayan, hindi titigil hanggang hindi napapasaya ang inyong Saturday morning! Go, go, go Ka-Blog!

Kikilalanin ni Ka-Blog Lucky Mark Mercado ang mga hardcore school fanatics tuwing sports season: ang mga varsity cheerleaders! I-ispatan ni Lucky ang mga winning moves ng UP Pep Squad, makikipagkulitan siya sa mga magagaling na FEU cheerleaders at makiki-animo La Salle sa Pep Squad ng mga Lasalista.

Continue reading

Ka-Blog!: ang coolest teen tambayan

Magsisimula na ngayong Sabado, Agosto 9, 10:00-10:30 a.m., sa GMA-7, ang pinakabagong lingguhang teen tambayan sa telebisyon, ang Ka-Blog!

“Oist! D2 na ko! EB tayo! Naka-YM ko c BFF, she’s twittering now! LOL! Naka-post na pics natin sa Flickr. IMHO, mas trip ko ang Facebook! BUZZ! NR ka. GTG!”

Gets mo ba?

Ito na ang lengguwahe ng mga teenagers ngayon. Sanay sa shortcut, gusto lahat instant, laging adventure ang hanap. Sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya, nagbabago rin ang mga gusto at hilig nila. Facebook, Friendster, Twitter, Flickr, RPG… ilan lang ito sa mga kinalolokohang libangan ng mga teens ngayon sa internet. Kumpleto rin sila sa mga high tech na gamit gaya ng PSP, I-pod, I-phones, XDAs at kung ano-ano pa!

Continue reading