Bloggers’ briefing on poll automation

Isa sa mga karapatan natin bilang mga mamamayan ng isang demokratikong bansa ay ang pagpili ng mga pinunong magpapatakbo sa ating gobyerno. Kahit madalas tayong nahe-Hello Garci, may mga pagkakataong ang tinig ng bayan ay nangingibabaw at nagtatagumpay. Mas dadalas ang mga ganitong panalo ng bayan kung mababantayan natin ang eleksyon upang mapagkaitan ng pagkakataon ang mga gustong mang-Hello Garci. At para makapagbantay nang maayos, makakatulong kung alam natin ang mga proseso at teknolohiyang gagamitin sa halalan.

Bilang paghahanda sa ARMM election at sa 2010 presidential elections, samahan ninyo kami sa Bloggers’ Kapihan sa pagbusisi sa poll automation. Alamin natin kung paano gagamitin ang electronic voting machines at automated counting machines.

Narito ang paanyaya ng Bloggers’ Kapihan:

What: Bloggers’ briefing on poll automation

When: July 19, Saturday, 1:00pm – 3:30pm

Where: COMELEC Automated Electoral System Information Office, ground floor, Palacio del Gobernador Bldg. Intramuros, Manila (near Manila Cathedral)

Continue reading

Sagot sa Open Letter ng Isang Middle Class

Nabasa mo ba ‘yung kumakalat na open letter ng isang middle class Pinoy raw? Ilang beses kong nakuha ‘yun at iritado ako sa tuwing matatanggap ‘yun. Bad trip ako sa kabobohan ng argumento at sa walang prenong panglalait sa mahihirap. P–a, tawagin ba namang bayaran ang mga mahihirap, at kami raw sa media ay parang laging naka-shabu!

May sumagot na sa sulat niya. Nakuha ko ang sagot na ito ni Nor Domingo sa Plaridel Papers e-group ni Pete Lacaba. Ikalat din natin. Naka-italics ang orihinal na liham, at kasunod ang mga sagot ni Nor:

Ako ay isang middle class pinoy, isang officer sa isang malaking korporasyon at may asawa…dalawa anak. Di na importante pangalan ko kasi parepareho naman tayong mga middle-class…. trabaho 9-5, inom konti tapos uwi sa pamilya, laruin si baby, itutor si ate/kuya tapos tulog na, pag wala na pera intay nala ng ng sweldo.

Ako rin ay isang middle class pinoy, isang freelance artist at may asawa at dalawang anak. Trabaho pag meron, hindi 9-5. Minsan 9am-9am. Hindi ako umiinom. Umuuwi na lang ako sa pamilya ko kasi sabik ako makita sila. Nuod TV, check ng e-mail. Paminsan-minsan nakakapaglibang ako at naglalaro ako ng ultimate Frisbee o kaya ng softball. Super middle-class pero feeling ko talaga, lower-middle. Continue reading