May Pajero man o wala

Nakatikim ng sermon mula sa mga senador si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chair Margarita Juico sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa isyu ng pagtanggap ng ilang obispong Katoliko ng mga sasakyan mula sa PCSO noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi kasi maipaliwanag ni Juico kung bakit tinawag ng media na “Pajero bishops” ang mga obispong nasangkot sa kontrobersiya, gayong wala naman daw sa kanilang nakatanggap ng Pajero.

Ayon sa ulat ng Commission on Audit, umabot sa P6.9 milyon ang kabuuang halaga ng pondo ng PCSO na ipinagkaloob sa Simbahang Katoliko para ibili ng mga sasakyan para sa mga diyoseses ng Cotabato, Zamboanga, Basilan, Butuan, at sa Caritas Nueva Segovia. Ang mga sasakyang natanggap daw ng mga obispo ay Nissan Pathfinder, Mitsubishi Strada, Toyota Grand Hiace, Mitsubushi Strada pickup, Toyota Hiace Grandia, Mitsubishi Montero, at Isuzu Crosswind.

Continue reading

Ang hiwaga ng video ni Col. Generoso Mariano

Nasa balita ngayon si Colonel Generoso Mariano, deputy chief ng Philippine Navy Reserve Command, matapos kumalat ang kanyang video na nanawagan ng pagpapalit ng gobyerno.

Sabi ni Col. Mariano sa video, nararamdaman din daw nilang mga sundalo ang hirap na dulot ng pagtaas ng bilihin at nakikita raw nilang ang pamahalaan “ay walang kakayanang gumawa ng mga hakbang upang iiwas tayo sa kagutuman at kamatayan.”

Ayon kay Mariano, “It is the right of every Filipino, including soldiers, to replace the government.” Inulit pa niya for emphais: “I repeat: Replace the government.”

Continue reading

Walang hiya

palaka

Sigurado akong nabalitaan na nilang ayaw ng mga mamamayan na baguhin ang Saligang Batas, lalo na sa ngayon.

Malamang, nabasa na nila sa mga balita na hindi pabor ang taumbayan sa constituent assembly bilang pamamaraan ng pagbabago ng konstitusyon, kung sakali mang makumbinsi ang mga tao na kailangan ngang mag-chacha.

Nasa ibang planeta sila kung di pa nila nalalamang naniniwala ang mga Pilipino na ang Charter change ngayon ay may layuning palawigin ang dapat ay matagal nang natapos na termino ni Gloria Arroyo.

Continue reading

Nagbitiw ang Pangulo…

Naging masugid na tagasuporta siya ng “war on terror” ni Pangulong George W. Bush ng United States. Nagdeklara siya ng state of emergency sa kanyang bansa. Sa ilalim ng kanyang diktaduryang rehime, ikinulong ang maraming mga aktibista para sa karapatang pantao at mga lumaban sa kanyang pamahalaan. Akusado ang kanyang administrasyon ng katiwalian at pandaraya sa eleksyon.

Mahigit walong taon na mula nang iluklok niya ang sarili sa kapangyarihan sa pamamagitan ng isang “bloodless coup.”

Continue reading

Hindi tayo naglalaro ng chess…

… pero marami ang nag-abang kahapon sa galaw ng bishops tungkol sa kalagayan ng queen.

Mayroon sa ating mga nag-isip na baka poposisyon na ng black or white ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa lumalawak na panawagang magbitiw ang Pangulo dulot ng umano’y katiwalian sa kanyang pamumuno. Pero nabigo ang mga umasa.

Basahin ang kanilang pastoral letter na Seeking the Truth, Restoring Integrity. Continue reading

The Church that I know

Santa Cruz church

(Published on Page A11 of the August 24, 2006 issue of the Philippine Daily Inquirer)

I MAY NOT appear to be really religious, but I grew up close to the Catholic Church, its people, structures and basic teachings.

My mother served the Church for many years until she perished in a sea accident 11 years ago. Even after Mama’s death, catechists in our town still see me as the only son of their beloved Sister Evelyn, who used to happily visit even remote island villages to teach catechism. Until now, Nanay Diding, my dear grandmother, is always a welcome visitor at our parish office not only because she regularly offers Masses but also because she is Sister Evelyn’s mother.

Priests and nuns were — and still are — among our family friends. A former bishop of the Diocese of Marinduque used to visit our humble house. Tatay Andoy, my late grandfather who had the picture of the great Pope John Paul II on display on his altar, had a distant cousin who became our parish priest. And when I was a young boy, dear Sister Paula of the Missionary Catechists of Saint Therese gave me a second-hand stuffed toy that I cherished so much. Continue reading

Atras-abante sa bitayan

“Sa pagdiriwang natin ng muling pagkabuhay ni Hesus, inaanunsiyo ko ang ang ating patakaran hinggil sa mga nahatulan ng death penalty. Iibahin natin ang parusa nila at gagawing life imprisonment.”

Ito ang pahayag ni Gloria Macapagal Arroyo kasabay ng kanyang pagbati sa sambayanan noong Pasko ng Pagkabuhay.

Masayang sorpresa ito para sa mga nasentensiyahan ng bitay, at malungkot na balita naman para sa mga biktima ng mga krimen at kanilang pamilya. Continue reading