Pagbabalik sa ederic.net

Nasa ederic.net na ang ederic@cyberspace. Paki-update po ang inyong links at bookmarks.

Nabawi ko na kasi ang pinakauna kong domain name pagkatapos ng may limang taon. Matapos na di ko ito ma-renew noong 2004, nagpalipat-lipat ito sa kamay ng mga naging intresado sa halaga ng noo’y maraming incoming links nito. Kamakailan ay binitawan na ang ederic.net ng pinakahuling may-ari dahil sa lumiit bilang ng links papunta rito.

Continue reading

EdericEder.com

Inabangan ko ngayong taong ito na mag-expire yung kauna-unahang domain name ko, ang ederic-dot-net. Nawala ito sa akin dati dahil hindi ko na-renew. Wala pa akong credit card noon, at laging walang pera (parang ngayon, hehe). Tingin ko, asteeg yung domain dahil first name ko lang iyon kaya’t mas maiksi at madaling tandaan.

Kahit bad trip ako sa GoDaddy dahil ayaw nila dating tumanggap ng mga credit card na galing sa Pilipinas, sinubukan ko ang domain backorder service nila. Mas mura kasi. Di kagaya roon sa malalaking company na kailangan ko ng at least $60. Ang masakit dito, hindi nila nakuha ang domain name ko. Naunahan pa rin ako ng iba. Kaya kung may lumang link kayo papunta sa ederic-dot-net, pakitanggal na lang, para di na makinabang sa backlinks ang damontres na kumuha nito.

Continue reading