Narito ang isang awiting pinagtulung-tulungang buuin ng mga Pilipinong musikero bilang suporta sa kampanya ng Design Against the Elements, isang timpalak na humihikayat sa mahuhusay na mga arkitekto sa buong mundo na bumuo ng mga disenyo ng mga bahay tatagal sa gitna ng mga sakunang dala ng nagbabagong klima.
Tag Archives: climate change
Ano ang kontribusyon natin sa paglaban sa climate change?
Umabot pa sa 11th hour ng Blog Action Day itong post ko.
Climate change ang umuugong na paksa sa blogosphere sa araw na ito. Nagbabago ang klima dahil sa pag-init ng daigdig (global warming), na dulot naman ng pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang gasses. Nangyayari to dahil sa patuloy at malawakang paggamit ng fossil fuel bilang pinagkukunan ng enerhiya.
Ayon sa PAGASA, ang naranasan nating malaking baha sa Kamaynilaan na dala ng bagyong Ondoy ay epekto na ng pagbabago ng klima. Naulit ang trahedyang dala ni Ondoy nang rumagasa naman ang bagyong Pepeng sa hilagang Luzon.
Kung ganitong masama ang epekto ng climate change sa atin, ano ang maaaring gawin ng mga karaniwang taong gaya natin para mapigilan ito? Sa unang tingin, iisiping ang pananagutang pigilan ito ay nasa malalaking mga bansa at mga korporasyon at mga mamamayan ng mga bansang ito. Sila kasi ang matinding gumamit ng enerhiya ng mundo.
Bagong video ni Katrina
Kung nabasa mo ang naunang entry ko, ang “Ibang Klaseng video ni Katrina,” heto ang naman ang bagong video niya. Follow-up ito sa naunang video. At may ilang oras pa para tayo makaboto sa entry niya sa 48 Hour Youtube Cannes Young Lions Ad Contest 2009. Just go to www.youtube.com/canneslions and search for LEAD by thecheshirecatgrin.
Ibang klaseng video ni Katrina!
Punung-puno ang blogosphere ng entries tungkol sa sex video nina Hayden Kho at Katrina Halili nitong mga nakalipas na araw. Ayaw humupa ng balita, ang bogus download links ay bumabaha, at busy pati mga pirata.
Pero kung sawa ka na sa Katrina-Hayden video at cellphone scandals, siguro’y magiging intresado ka ibabahagi kong video ng kaibigan kong si Katrina Encanto. Iba ito!
Leonardo DiCaprio's The 11th Hour
Ipinapalabas pa ngayon sa dalawang sinehan sa Kamaynilaan ang The 11th Hour, ang climate change documentary ni Leonardo DiCaprio.
Ipinaliliwanag ng The 11th Hour kung paano binago ng mga tao ang klima at binalasubas ang kalikasan. Pero itinuturo rin nito kung paano tayo makakabawi sa katampalasanang ito.
Ayon sa isang AP article, mahigit isang dekada na raw nang magkausap sina DiCaprio at noo’y US Vice President Al Gore tungkol sa global warming. Ngayon, tulad ni Gore na naghatid sa atin ng “The Inconvenient Truth,” mayroon na ring sariling environmental documentary ang makakalikasang aktor na si DiCaprio.
Mapapanood ang The 11th Hour sa Glorietta 4 Cinema 4 sa Makati City at sa SM City North Edsa Cinema 1 sa Quezon City.