Case Unclosed: Pinakabagong programa ng GMA Public Affairs

Kara David, host ng Case Unclosed
Kara David, host ng Case Unclosed
GMA 7 Press Release

Sinasabing ang mga Pilipino ay makakalimuting mga tao. Sa dami ng dumarating na krisis, iskandalo at problema, hindi na natin naalala ang mga isyung dapat nating hinaharap bilang isang bansa. Sa bawat palit ng headline sa diyaryo at telebisyon, natatabunan din ang mga mahahalagang istoryang dapat nating pinagtutuunan ng atensyon, at naiiwan na lang ang mga tanong, at naghihintay ng kasagutan.

Ano na nga ba nangyari sa mga isyung gumulantang noon sa ating bayan?

May naparusahan ba sa Ozone Tragedy? Rub-out ba o shoot-out ang kaso ng Kuratong Baleleng? Ano ba talaga ang nangyari kay Jonas Burgos? Sino ang talagang bumaril kay Ninoy?

Continue reading “Case Unclosed: Pinakabagong programa ng GMA Public Affairs”