Weekend sa Pagsanjan

Binyag ng isang pamangkin ko noong nakalipas na Linggo sa Pagsanjan, Laguna kaya pumunta ako roon kasama ang pinsan kong si Dominic. Para makaiwas sa paggising nang napakaaga para sa 9 a.m. na binyagan, Sabado pa lamang ay bumiyahe na kami papuntang Pagsanjan.

Kahit nakadayo na kami ni Myla roon noong ikasal sina Ernel at Rachel, ang mga magulang ng bata, nakalimutan ko na kung paano kami nakarating doon. Sa tulong ng Google Search at Google Maps, nalaman kong mula rito sa Diliman, Quezon City ay sa HM Transport Bus Terminal sa Cubao pala puwedeng sumakay. Nasa kanto ito ng EDSA at Monte de Piedad St., sa likod ng Mang Inasal na malapit sa Solid North Bus Terminal.

Continue reading