Lapis para sa Kariton Klasrum

Para sa mga nais tumulong sa Kariton Klasrum ng Dynamic Teen Company (DTC) ni Kuya Ef, bukod sa Tindahan ng Pagbabago ay narito pa ang isang paraan: sa pamamagitan ng Pencil Project ng HotelwithHeart.com (HWH). Hanggang sa katapusan ng buwang ito na lang ang kampanya, kaya’t sana’y bilisan natin ang pagkilos:

Isang digital signature campaign project ang HWH Pencil Project. Layunin nitong makakalap ng 10,000 lapis para sa Kariton Klasrum ng DTC. Sa pamamagitan nito, ang mga batang tinutulungan ng DTC ay magkakaroon ng sapat na supply ng mga lapis na magagamit nila sa kanilang pag-aaral.

Para tumulong, i-like ang Hotel With Heart page sa Facebook pagkatapos ay punan ang form sa Pencil Project app.

Continue reading “Lapis para sa Kariton Klasrum”

Kariton ng mga pangarap

Noong isang Sabado, naging saksi ako sa katuparan ng isang pangarap. Malaking bagay ito sapagkat ang kaganapan ng pangarap na ito’y kakanlong at magpapayabong sa marami pang mga pangarap.

May tinatapos ako sa Yahoo! nang hapong iyon nang mag-tweet si Andrew, ang makisig at maalalahanin kong pinsan. Papunta raw siya kay Efren PeƱaflorida, Jr. sa Cavite. Araw iyon ng pagbubukas ng Kariton Building ng organisasyon ng Pilipinong CNN Hero. Dahil kaladkarin ako nang araw na iyon — at talaga namang bilib sa Dynamic Team Company (DTC) ni Kuya Ef — agad akong sumagot na sasama ako.

DapithaponMahaba-haba ang biyahe namin ni Andrew dahil sa trapik. Itinuloy na lang namin habang kumakain ng libre niyang McDo meal ang mga kuwentuhan at talakayang kadalasa’y sa YM at Twitter lang namin ginagawa. Natawagan pa namin si Tita Mila at nagkumustahan sila.

Natuwa rin kami’t sa daan ay nakalanghap kami ng sariwang hanging probinsya at in-enjoy namin ang tanawin habang kami’y nasa gitna ng papalubog na araw at tabing dagat. Wari’y inalis nito ang pagod sa matagal na biyahe.

Continue reading “Kariton ng mga pangarap”

Kabaligtaran ng People Power

Maaari bang umusug-usog sa bus?
Maaari bang umusug-usog nang konti? Mula sa pinakalikod na upuan ng bus, nakunan ko ang mga taong ayaw umusog sa loob.
Habang nakapila sa hintayan ng bus sa ibaba ng opisina namin kanina, nasaksihan ko ang isang kabaligtaran ng isa sa mga pundasyon ng People Power.

Depende sa oras at suwerte, mga 15 hanggang 30 minuto ang pagitan ng mga biyahe. Kaya naman nang dumating at tumigil ang bus, pinakiusapan ng konduktor ang mga pumapasok na dumiretso lamang sa dulo para mas marami ang makasakay. But no, ang gusto talaga ng mga kababayan natin ay laging makababa agad. Nagkatrapik-trapik sa malapit sa pinto, pero anluwag-luwag sa dulo ng bus.

Continue reading “Kabaligtaran ng People Power”

Bayanihan sa cyberspace

“It’s the old Filipino practice of bayanihan, expressed in the age of Web 2.0.” — GMANews.tv

Muling binuhay ng trahedyang hatid ng Bagyong Ondoy ang diwa ng bayanihan sa ating mga Pilipino — di lamang in real life, kundi pati sa virtual world. Kahit sa cyberspace, patuloy ang bahaginan ng donasyon at impormasyon para sa mga nasalanta ng bagyo.

Continue reading “Bayanihan sa cyberspace”

Ako Mismo

Ako Mismo

Agad akong nag-sign up nang makita ko ang AkoMismo.org — hindi lang dahil Ely Buendia fan ako, kundi dahil nagustuhan ko ang kampanya.

Hinihiling ng Ako Mismo sa mga Pinoy netizens na isulat ang kanilang pangakong gagawin — maliit man o malaki — “tungo sa muling pagbangon ng Pilipinas.”

Sabi nga nila, ang pagbabago’y mag-uugat sa ating sarili. Upang maisulong ang isang rebolusyon, dapat ay magkaroon muna ng pagbabago sa atin mismong pagkatao.

Continue reading “Ako Mismo”