Bigo ang pagnanais na maipakulong si Trillanes

Antonio Trillanes IV

Sa mga politiko mula sa oposisyon na hindi nakakulong, si Senador Antonio F. Trillanes IV ang pinakamasigasig sa paglaban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Bago pa man ang Eleksyon 2016, inakusahan na ni Sen. Trillanes si noo’y Davao City Mayor Duterte ng pagkakaroon ng P211 milyon sa isang bank account sa BPI Julia Vargas. Hindi umano ito idineklara ni Duterte sa kaniyang statement of assets, liabilities, and net worth. Noong una, itinanggi ng tagapagsalita ni Duterte na may account siya sa BPI Julia Vargas. Kalaunan, inamin ni Duterte na may account siya roon, pero libo lang daw at di milyon ang laman ng account.

Sa botong mahigit 16 milyon, si Duterte ang nanalo sa labanan sa pagkapangulo noong 2016. Natalo naman sa halalan si Trillanes — si Leni Robredo ibinoto ng mga Pilipino para maging pangalawang pangulo.
Continue reading “Bigo ang pagnanais na maipakulong si Trillanes”

Sikat na naman si Trillanes

Antonio Trillanes IV

Photo from Antonio Trillanes IV's Friendster account
Hindi na ako nagulat ngayong may pailan-ilan muling nagko-comment sa post kong “Liham kay Lt. SG Antonio Trillanes IV”. Dala marahil ito ng pagdeklara ni Trillanes na tatakbo siya bilang senador. Kahit ang profile ni Trillanes sa GMANews.tv, isa sa mga most read sa mga personality profiles sa site. Ang kanyang unang Friendster account, puno na rin.

Noong kakatapos lamang ng Oakwood mutiny, sobrang naging crush ng bayan ang rebeldeng sundalong ito, at sa isang Peyups article ay sinubukang kong sagutin kung “Bakit Crush ng Bayan si Kapitan Trillanes?”: Continue reading “Sikat na naman si Trillanes”

Seryosong Sagot sa "Liham"

Antonio Trillanes IV (Photo from Philippine Star)

Kalat na kalat na sa CyberSpace ang liham para kay Kapitan Trillanes na hanggang ngayo’y di ko pa rin kilala kung sino ang sumulat. Nasundan ito ng isa pang nagsusubok magpatawa pero sa totoo’y sobrang nakakainsulto nang liham na umano’y sagot ni Trillanes. Hindi ko na ipo-post itong ikalawa. Sa halip, ibabahagi ko naman sa inyo itong isa pa — seryoso at may lamang sagot sa unang liham. Ang nakalagdang sumulat nito ay si Radamanthus Batnag.

Sana nga, ganun lang kasimple ‘yun at ganun kadaling pagtawanan.

P’re, naranasan mo na ba makitang patayin ng kaaway ang isa mong kaibigan? Kung hindi ka NPA, malamang, hindi. Naranasan mo na bang pumatay? Mas mabigat ito. ‘Yung kaibigan na namatay, lilipas din ang sakit noon. Pero ‘yung taong pinatay mo, baka di mo malimutan habang buhay.

Continue reading “Seryosong Sagot sa "Liham"”

"Kudeta"

Maagang-maaga kanina, sinakop at tinamnan ng bomba ng may 20 sundalong nakasuot ng pulang arm band ang isang bahagi ng Ayala Center sa pagitan ng Hotel Intercontinental at ng Oakwood condo-hotel.

Sa pahayag sa mga taga-media, sinabi ni Navy Lieutenant Senior Grade Antonio Trillanes na ginawa nila iyon upang protektahan ang kanilang sarili laban sa pamahalaang Arroyo, na kanila nang itinatwa. Nais umano ng gobyerno na pigilan ang kanilang nalalaman.

Kagabi, ibinunyag ni Pangulong Arroyo ang pagtatangka umano ng isang grupo ng mga sundalo na magkudeta, at iniutos ang pagdakip sa mga ito.
Continue reading “"Kudeta"”