Shooting ng ‘Katipunan’ ng News TV, sinimulan na

katipunan

TAAL, BATANGAS – Sa gitna ng malakas na ulan, sa isa sa mga makasaysayang lumang bahay sa lugar na ito nagbukas ang produksyon ng Katipunan, ang kauna-unahang historical miniseries ng GMA News and Public Affairs.

Unang kinunan ang mga eksena ng ligawan sa pagitan nina Andres Bonifacio (Sid Lucero) at Gregoria de Jesus (Glaiza de Castro), ang Lakambini ng Katipunan.

Ang walong-bahaging kuwento ay magdedetalye ng buhay at pag-ibig ni Bonifacio, ang kanyang mga pagsubok na sinuong sa personal na buhay at sa paglaban sa mga Kastila, at pagkamatay sa kamay ng mga taong hanggang sa huli ay tinawag niyang “Kapatid.”

Continue reading

Rizal @ 150

Rizal @ 150Noong mas bata pa ako, may ilusyon akong reincarnation ako ni Jose Rizal. Gaya niya, ninais ko ring maging doktor, manunulat, pintor, makata — at babaero. ‘Yun nga lang, ang nakuha ko sa kanya ay ‘yung parteng laging basted — o nauunsyami ang love life.

Pero sa bandang huli, nakilala ko si Myla, isang binibining sa murang edad ay nangako sa sariling ang mamahalin niya’y isang lalaking kagaya ng ating pambansang bayani. Yun nga lang, hindi ko maipaliliwanag kung paano ko siya nakumbinsing ako ang hinahanap niya. Siguro, dahil gaya ni Rizal, di ako kalakihang tao. O baka naman nakalimutan na lang niya ang lumang pangako niya.

Continue reading

Parke ni Bonifacio

Lagi naming nadaraanan ang monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Balintawak kapag pabalik kami sa Maynila galing Pampanga. Ngunit di gaya ng bantayog ng ibang mga bayani — gaya ng kay Gat Jose Rizal sa Luneta, halimbawa — o ng mas malaking Bonifacio monument sa Grace Park, Kalookan, ang nasa may Balintawak ay parang hitsurang napabayaan. O pinabayaan.

Hindi nililinis ang paligid. Luma ang mga watawat. Parang monumento limot na bayani. At tinatambayan ng mga walang matirhan sa lunsod. Sa unang tingin, parang kawawa ang monumento. Pero kung pakaiisipin, di nga ba’t sa kanyang buhay, ang kasama ni Bonifacio ay ang masa? Di ba’t ayos lang na ang kanyang bantayog ay maging pahingahan at kanlungan ng mga kinakawawa ng lipunan?

Ano sa palagay ninyo? Ang ganitong kalagayan ba ng munting parke ni Bonifacio sa Balintawak ay pambabastos o pagbibigay-pugay sa kanyang alaala?

Sa ika-144

Sa ika-144 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, watak-watak pa rin ang kanyang mga tagasunod.

Kahapon, ang mga rebeldeng sundalong tagahanga niya’y nagprotesta. Kinubkob nila ang Peninsula Manila at nanawagan ng panibagong pag-aalsa. Ngunit iilang dosena ang sumama. Sinundo sila ng mga tangke ng sundalong tapat sa rehimen at nakaposas na binitbit ng mga pulis.

Ang mga elitistang galit kay Gloria, naglalaro ng golf nang pumutok ang balita.

Kanina, inalala ng mga aktibista ang kaarawan ng Supremo. Wala sila sa mga kalsada kahapon sa kabila ng panawagan. Kanina ang araw nila.

Kanina, naglabas ng pahayag ng suporta at pakikiisa sa mga rebeldeng sundalo ang mga rebeldeng komunista. Atrasado nang isang araw ang reaksyon nila. Continue reading

Andres Bonifacio bilang unang Pangulo

Hanggang ngayon, hindi pa rin natatapos ang usapin tungkol sa unang pangulo ng Pilipinas.

Itinuturo ng opisyal na kasaysayan–na bunga na kolonyal na edukasyon–na si Emilio Aguinaldo ang kauna-unahang pangulo. Ngunit may mga historyador, gaya nina Dr. Milagros Guerrero, na nagsasabing si Andres Bonifacio ang tunay na unang naluklok sa posisyong iyan na hanggang ngayon ay pinag-aagawan pa rin.

Ang tungkol sa pagiging unang pangulo ni Bonifacio ay isa sa mga isyung tatalakayin sa susunod na labas ng I-Witness. Nasa ibaba ang article mula sa GMANews.tv:

Continue reading

Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog

(November 28, 2006 update: Ang bagong kopya ng dokumentong ito ay mula sa Filipiniana.net)

Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
Andres Bonifacio

Itong Katagalugan, na pinamamahalaan nang unang panahon ng ating tunay na mga kababayan niyaong hindi pa tumutulong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapit-bayan at lalung-lalo na ang mga taga-Japon (=Japan), sila’y kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kaya’t dahil dito’y mayaman ang kaasalan ng lahat, bata’t matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog. Dumating ang mga Kastila at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo’y aakayin sa lalong kagalingan at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man sila’y ipinailalim sa talagang kaugaliang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat, at yao’y inihalo’t ininom nila kapwa tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na di magtataksil sa pinagkayarian. Ito’y siyang tinatawag na “Pacto de Sangre” ng haring Sikatuna * at ni Legaspi (= Miguel Lopez de Legazpi ) na pinakakatawanan ng hari sa Espana.

Buhat nang ito’y mangyari ay bumubilang na ngayon sa tatlong daang taon mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan; iginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng tunay na mga kababayan na aayaw pumayag na sa kanila’y pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga Insik at taga-Holandang nagbalang umagaw sa kanila nitong Katagalugan.

Ngayon sa lahat ng ito’y ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahil ng ating paggugugol! Wala kudi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo’y lalong gigisingin sa kagalingan ay bagkus tayong binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan; iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan; at kung tayo’y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan ay ang tayo’y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal ng anak, asawa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng sa hayop na kabangisan.

Ngayon wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan; ngayon lagi nang gingambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na daing at pananambitan, buntong-hininga at hinagpis ng makapal na ulila, bao’t mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya ng mga manlulupig na Kastila; ngayon tayo’y nalulunod na sa nagbabahang luha ng Ina sa nakitil na buhay ng anak, sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tinga, na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam; ngayon lalo’t lalo tayong nabibiliran ng tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan. Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katuwiran na sumisikat sa Silanganan, ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan, ang landas na dapat nating tunguhin, ang liwanag niya’y tanaw sa ting mga mata, ang kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal. Itinuturo ng katuwiran, na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo’t lalong kaalipinan. Itinuturo ng katuwiran, lalo’t lalong kaalipustaan at lalo’t lalong kaalipinan. Itinuturo ng katuwiran, na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng katuwiran ang tayo’y umasa sa ating at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan. Itinuturo na katuwiran ang tayo’y magkaisang-loob, magkaisang isip at akala at nang tayo’y magkaisa na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.

Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang ani na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat isang hakbang natin ay tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa ati’y inuumang ng mga kaaway.

Kaya, O mga kababayan, ating idila ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang atin lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayan tinubuan.

* FN Sikatuna in this document would refer to Rajah Sikatuna who was the ruler of Bohol when Miguel Lopez de Legazpi came to the Philippines.

Martyrdom of a People's Leader

Image from http://www.filipinaslibrary.org.phSa kaarawan ng Supremo, nais kong ibahagi sa inyo itong article na sinulat ng kaibigang kong si Alexander Martin Remollino para sa Bulatlat.com:

Martyrdom of a People’s Leader

To his last breath, Bonifacio was devoted to the main objective of the KKK, which was separation from Spain. Aguinaldo and his clique, in contrast, would not long after yield their arms in exchange for P400,000 and accept exile to Hong Kong and the continuation of Spanish sovereignty in accordance with the Pact of Biak na Bato, in which Pedro Paterno negotiated for the Spanish colonial government.

By Alexander Martin Remollino
Bulatlat.com
http://www.bulatlat.com/news/3-13/3-13-martyrdom.html

Among the more tragic chapters in the history of the Filipino people is the execution of Andres Bonifacio, founder of the Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK), which began to wage a revolutionary struggle against Spanish colonial rule in 1896, on Mt. Buntis, Maragondon, Cavite on May 10, 1897.

Unlike Jose Rizal and Macario Sakay, who were executed by soldiers of occupying powers, Bonifacio died in the hands of fellow Katipuneros. This makes his death doubly tragic.

But why did the Supremo, as Bonifacio came to be known among his fellow Katipuneros, have to die — and in such a manner?

Continue reading

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Sa pamamasyal ko sa cyberspace ngayong hapon, nadapadaan ako sa website ng Bagong Alyansang Makabayan at naka-download ng MP3 ng “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Gat Andres Bonifacio.

Samantala, nag-update naman ako ng website ni Dean Luis Teodoro at isa sa mga artikulong in-upload ko ay ang Ninoy remembered. Ayon kay Dean Teodoro,

“Aquino’s decision to return despite the risk of imprisonment or deaths, and his subsequent assassination, made him both martyr and hero, and sounded the death knell for the Marcos dictatorship. Although it would take three more years before the collapse of the Marcos government, his assassination in 1983 set into motion a series of events that inexorably led to the regime’s collapse, and to the restoration of the institutions of liberal democracy, in 1986. Warts and all, Aquino was an authentic Filipino hero.”

Continue reading

Betrayal

From the book “Supremo: the Story of Andres Bonifacio” by Sylvia Mendez Ventura:

A soldier under Lazaro Makapagal revealed to Bonifacio’s boyhood friend and fellow Katipunero, Guillermo Masangkay, that the Supremo was hacked to death with bolos and bayonets. A farmer said he saw five men hacking a man in a hammock.

On May 10, 1897, Emilio Aguinaldo’s men murdered the founder of the Katipunan. Patriot Apolinario Mabini described the assassination of Bonifacio as “the first triumph of personal ambition over true patriotism…”

Mabuhay si Gat Andres Bonifacio

Mabuhay si Gat Andres Bonifacio!
Photo from the National Commission for Culture and the Arts

Today is the birthday of Andres Bonifacio, the Father of the Philippine Revolution. Born on November 30, 1863 to a poor couple in Tondo, Manila, the young Andres, together with his siblings, worked hard and struggled to survive especially after the death of their parents.

Later in his life, the Great Plebeian led a bigger struggle not just for his family, but for the entire Filipino nation then under the oppressive Spanish colonial government. He became a member of the peaceful group La Liga Filipina with Jose Rizal, among other propagandists. He read and was inspired by Rizal’s novels, Noli Me Tangere and El Filibusterismo. The execution of Rizal showed Bonifacio that a peaceful struggle for change was useless at that time.

He led the forming of the Kataas-taasan Kagalang-galang na Katipunan ng manga Anak ng Bayan (KKK) or Katipunan, a secret society aimed at gaining independence (kalayaan) from the colonial rule even through violent means, if neccessary. The Filipino masses embraced the organization that also proclaimed the equality (pagkakapantay-pantay) of men and women — whether rich or poor — and taught them to care for each other (pagdadamayan). Katipunan’s membership increased and managed to win many fights.

However, as the organization gained strength and number, factionalism occurred. A certain faction, particularly from the elite, eventually dislodged the Supremo from his leadership. Even as they snatched from him his rightful claim to the leadership of a new revolutionary government, his worth as a person and a leader was also insulted. After he lost the presidency to Emilio Aguinaldo at the Tejeros Convention, he was elected secretary of interior. An asshole, however, questioned his capability to handle that post. How was the Supreme Leader of the Katipunan supposed to respond to such indignity? In the end, the Supremo was tried and sentenced to death for not recognizing the new elite-led revolutionary government.

On May 10, 1897, a general named Lazaro Makapagal and his men brought him to Mt. Nagpatong in the Maragondon provinces where he met his death. The Father of the Revolution died not in the hands of the enemy. Ironic, isn’t it? The Supremo was killed by soldiers of a government that was a result of his leadership.

His death signaled the seemingly unending cycle of betrayal of the Filipino masses.