Among Ed sa Reporter's Notebook

100_2678 Kinunan ang larawan namin ni Among Ed Panlilio noong bumisita ang Bloggers’ Kapihan sa Pampanga upang ilunsad ang blog ng butihing paring ngayo’y gobernador ng Pampanga.

Isa rin siya sa mga pinili ko sa Top 10 influential bloggers ng Digital Filipino.

Nalaman ko ngayong umaga lang na ang kuwento niya pala ay itatampok mamayang gabi sa Reporter’s Notebook ng GMA-7. Malalaman natin kung bakit gusto siyang i-recall ng mga pulitikong Kapampangan.

Narito ang mga buod ng palabas mamaya sa RN, GMANews.tv

Continue reading

Invitation to Among Ed Panlilio’s blog launch

Where: Executive House, Provincial Capitol, City of San Fernando, Pampanga
When: June 7, 2008, Saturday, 10:00am

Bloggers’ Kapihan will participate and help in the launching of Pampanga Governor Among Ed Panlilio’s blog this Saturday.

The blog will be a platform to promote good governance in the province. Among Ed will also report his accomplishments as governor of Pampanga

Bloggers, journalists, students and other interested individuals and groups are encouraged to join the activity.

Free transportation and food will be provided to thirty (30) Manila-based bloggers. If you’re interested in joining the trip to Pampanga, please email mongpalatino@gmail.com.

Itinerary, options for the tour, and program at the Bloggers’ Kapihan website.

Kita-kits!

Imbitado kayo sa blog launch nina Jun Lozada at Among Ed Panlilio

Mula sa Bloggers’ Kapihan:

Malugod kayong inaanyayahan ng Bloggers’ Kapihan sa magkasunod na blog launches sa dalawang susunod na Sabado. Sasamahan ng BK Crew sa paglulunsad ng kanilang blog sina Jun Lozada – ang pangunahing saksi sa pagdinig ng Senado sa ZTE deal — at Among Ed Panlilio — ang gobernador ng Pampanga na iniluklok ng “people power” noong nakaraang halalan.

Samahan ninyo kami sa Sabado, May 31, 2008, 1pm sa Kape Tasyo sa Anonas, Quezon City sa blog launch ni Jun Lozada.

Sa Hunyo 7 naman, 30 bloggers ang dadalhin ng Bloggers’ Kapihan sa Among Ed blog launch. May libreng sakay, pagkain at pamamasyal sa Pampanga para sa mga sasama.

Abangan sa BK website ang kumpletong detalye ng mga gawaing iyan. Samantala, pakimarkahan na ang inyong kalendaryo para muli namin kayong makadaupang-palad sa susunod na dalawang Sabado.

May isinulat na rin tungkol dito si Shari, kasama ko sa BK Crew.