Suporta para kay Fr. Ed Panlilio

Inilathala ng Tinig.com noong Nobyembre 9 ang liham-panawagan ng suporta para kay Pampanga Gov. Ed Panlilio na isinulat ni Harvey S. Keh, Director for Youth Leadership and Social Entrepreneurship ng Ateneo de Manila University-School of Government.

Si Gov. Panlilio ang nagbunyag ng bigayan ng kalahating milyong piso bawat gobernador (at congressman) sa Malakanyang noong Oktubre. Ito ang huling bahagi ng sulat ni Keh:

… we deserve the kind of leaders that we have because we continue to do nothing despite the fact that we see that there is something wrong. And this is why I am writing to appeal to you right now, I’d like to ask for a few minutes of your time to send an email of support to Gov. Ed Panlilio, let us all tell him that we are behind him in his quest for the Truth. What is at stake here is not only the people of Pampanga but the nation as a whole. Gov. Ed exposed what has long been happening in Malacañang and now he is being punished for it. Will you do something about it?

If yes, then please send an email of support to Gov. Ed Panlilio at wesupportgovpanlilio@gmail.com and please help us by forwarding this email to all your friends. We will print the emails that you send and give it to Gov. Panlilio to show him that he is not alone in his quest for the Truth. Let us show the world that the Filipino people will not just allow another Good Man to fail and let evil prevail.

Mula noong Nobyembre 11, wala nang palya ang commentsna nagbibigay ng suporta para sa gobernador, kahit na ang instruction ay sa Gmail address ito ipadala. Ngayong araw na ito pinakamaraming nag-comment–10 sa 15 ay ipinost kanina.

Gawa ito marahil ng pagkakalathala sa Inquirer.net ng istorya tungkol sa cybercampaign ni Keh. Ayon sa kanya, may 1,700 mensahe na ang natanggap ng ginawa niyang account. Ang balak niya, ibigay kay Fr. Ed ang printout ng mga e-mail kagabi bago ang pagharap niya sa imbestigasyon ng Senado sa suhulan kanina. Pero ang nai-print lang daw niya ay 600 messages.

Mababasa ang sulat at ang mga comment sa “Call for Support for Fr. Ed Panlilio” sa Tinig.com.

6 thoughts on “Suporta para kay Fr. Ed Panlilio

  1. hi kuya ederic. anyang Sabadu pintalan ke i tata ku keng San Fernando, pisabyan mi ing kampanya ng Gov. Ed para keng Pampanga. Makalungkut mu kase deng aliwang balen, MAYOR mismu ing ali susuporta kang Gov. dacal kokontra kareng programa na. nung makanyan nang makanyan, makananu yak aya mibangun ing Pampanga para naman manasensu ya? manibat anyang me-lahar ya ing probinsya, ala pang matinung gov a linukluk keng pwestu a asabi tamung talagang public service ing gewa na para kareng Cabalen tamu.

    nosebleed! pa-translate mo po kay Mhay 😉

  2. Eto na po ang translation ni Mhay:

    hi kuya ederic. nung sabado pinuntahan ko yung tatay ko sa san fernando. pinag-usapan namin yung kampanya ni gov. ed para sa pampanga. nakakalungkot lang kasi yung ibang bayan, mayor mismo ang di sumusuporta kay governor. daming kumukontra sa mga programa niya. kung ganyan lagi, paano kaya babangon ang pampanga para naman umasenso na? mula nung na-lahar ang probinsya wala nang matinong governor na naupo sa pwesto. masasabi natin talagang public service ang ginawa niya para sa mga kababayan natin.

  3. hehe. ang galing. pwedeng pwede ka naming ibenta ni Mhay. kaya siguro ayaw mong ipa-meet sa akin. hehe.. pag-uusapan ka namin in Kapampangan. lol. joke lang po. 😛

  4. Gov Among Ed Panlillo konti na lang po ang kagaya nyo ang natitira sa Filipinas. I support the among.

    (Keng Leon, keng Tigre ali kami tatakut … kang Gloria pa? … Mabuhay ang Kapampangan)

Post a reply