Sana may superpowers ako. Gusto kong makalipad at makapag-teleport. Parang ansarap din siguro ng feeling ng invisible ka — parang si Harry Potter na may suot na invisibility cloak. Asteeg din yung tutulong ka sa mga nininakawan, hiniholdap, o pati ginigiyera.
Ah, gutom lang talaga ako kanina nang maisip ko yan. Bumili kasi ako ng pares sa baba, at dahil gusto ko nang makachibog, ayoko nang maglakad at sumakay pa ng elevator.
Ako rin gusto ko magka-super powers.
madali lang yan…koting hithit lang ng damo. hehe.
tsk! ang taong gutom talaga kung anu-ano naiisip, mula kay Harry Potter hanggang kay Gandal. Tsk!
Tama, hindi lang damo..dagdagan mo pa ng prosac at wine!.
Hehehe. Gutom na naman ako.
musta ka na po? sana hindi ka na gutom. (“,)
tumawag ka’t magpa-alipin kay Ina Magenta. malay mo, baka ikaw ang ipalit kay Prinsipe K.
Sa Okey Ka Fairy Ko ‘yan, a!
tumpak ka dyan! tagahanga kasi ako ni bossing! mabuhay si enteng cum lastikman!
masarap magkaron ng superpowers tapos mamadyikin mo yung mga taong walang ginawa sa gobyerno kungdi magpalaki ng tiyan hehe
Meron nang naimbetong invisibility cloak sa japan