Sore throat and the IMPSA anomaly

May sore throat ako. Gawa ito ng pagpupuyat at pag-iinom at pagsisigaw noong pagkasaya-sayang Christmas party ng Peyups.com. Sa kabila nito, sumugod pa rin ako sa Senado kanina para i-cover ang hearing tungkol sa maanomalyang IMPSA contract. Dapat kasi, pupunta si Erap para sabihing may nagsuhol sa kanya para aprubahan ang kontratang ito, at siguro’y para akusahan na rin si Nani Perez ng pagtanggap din ng suhol.

Itong sikat na IMPSA deal na ito ay nagsimula noong panahon pa ni Ramos. Inanyayahan niya ang isang Argentine firm, eto ngang IMPSA (Industrias Metalurgicas Pescarmona Sociedad Anonima) para gawin ang pagsasaayos at pagpapatakbo ng Caliraya-Botocan-Kalayaan (CBK) hydroelectric plant sa Laguna. Nagkaroon ng mga paunang hakbang para maisakatuparan ito, pero dahil sa dami ng kuskus-balungos, hindi ito matuluy-tuloy. Pag-upo ni Erap noong 1998, nagkaroon ng pag-asa ang proyekto. Ayon sa isang ulat ng PCIJ, namagitan raw kasi si Mark Jimenez, dating close friend ni Erap at kaibigan din ng ambassador ng Pinas sa Argentina, si Carlos Villa Abrille, na kaibigan naman ng presidente ng kompanyang IMPSA. So ganun. Noong November 6, 1998, naging saksi si Erap pirmahan ng kontrata sa pagitan ng Napocor at IMPSA. Naalala ninyo ang expose na naging reason ng pagsasara ng Manila Times, yung tungkol sa “unwitting ninong?” Yun yun. Inireport ng Times ang pagpirma ni Erap bilang witness.

Kaso, di pumayag ang ilang ahensiya ng pamahalaan na may say sa contract na magbigay ng garantiya na kung ma-windang ang proyekto–halimbawa’y matapos ang kontrata, o malugi o ma-privatize ang Napocor–ay sasaluhin ng gobyerno ang mga utang ng IMPSA. Lugi kasi ang pamahalaan sa ganoong setup saka bawal magbigay ng garantiya sa mga ganitong uri ng kontrata. Sa bandang huli, sa napahinuhod na rin si dating Finance Secretary Jose Pardo na pirmahan ang medyo kahawig na garantiya noong December 28, 2000. Pero dahil nagkakagulo na noon at pabagsak na si Erap, nabitin ang kontrata.

Ayon pa sa PCIJ report, namataan daw si Villa Abrille sa Linden Suites kung saan nagkuta sina Pangulong Arroyo noong kasagsagan ng People Power 2. And to cut the long story short, wika nga, apat na araw matapos maluklok ang bagong administrasyon, nawala ang lahat ng legal na hadlang sa kontrata ng IMPSA sa pamamagitan ni Secretary Perez, ang noo’y bagong Justice secretary.

Samantala, hinikayat naman ng Freedom from Debt Coalition ang pamahalaan na ibasura na rin ang IMPSA deal, gaya ng ginawa nito sa PIATCO:

“In a parallel situation, the CBK-IMPSA is not qualified to undertake the project; hence, it should not have been awarded the CBK power project. Documents and testimonies from NPC officials and private consultancy groups declared that IMPSA was never technically qualified, as it lacked basic requirements indicated in the Terms of Reference like prior experience as developer or operation and maintenance contractor of any similar hydro-electric project, and an ISO certification. Moreover, the NPC evaluation group found out that IMPSA was not an equity partner in one of its purported projects in Latin America, but a mere supplier of turbines and pump materials.

“We can only surmise and presume that despite its failure to meet the requirements under government rules, IMPSA was nevertheless qualified under the auspices of the past and present administrations,” wika ng FDC sa isang pahayag.

0 thoughts on “Sore throat and the IMPSA anomaly”

Leave a Reply