Si Mahal!

Hindi ito tungkol sa girlfriend ko, pero kasama ko siya kanina sa Tandang Sora nang maganap ang ikukuwento ko.

(Kung napapansin ninyo, medyo napapadalas ang tambay namin sa Tandang Sora; siguro’y dahil ang Agosto ay panahon ng Katipunan. Noong ika-23, anibersaryo ng Sigaw sa Pugad Lawin na naghudyat ng pagsisimula ng Himagsikang 1896. Si Tandang Sora o Melchora Aquino ang Ina ng Katipunan. Malamang na ang napapadalas na pagtambay sa Tandang Sora ay udyok ng aming subconscious mind bilang paggunita sa kagitingan ng mga kasapi ngKatipunan lalo na sa itinuturing na Ina ng marangal na kilusan.)

Pagtapat namin sa parking lot ng Mercury Drug kanina, na-curious kami sa isang kotseng pinalilibutan at sinisilip ng mga tao. Eh alam n’yo naman, medyo usiserong bastos ako. Naisip ko, siguro may nag-aanuhan, hehehe. At di ba, part-time reporter ako, so baka may namamatay sa loob ng kotse, o anumang maaaring balita. So, hinila ko ang mahal ko at nakiusyuso kami.

Eh, ang nakita ko sa loob ay isang lalaki sa driver’s seat at ilan pang tao sa likod. So, akala ko, artista na pinagkakaguluhan ng lang fans. Nagtatatawa kaming lumayo ni Mhay.

Nang biglang may isang usisero na nagsabing “Si Mahal!” Huh, si Mahal?–kung di ninyo kilala si Mahal (at ang partner niyang si Mura), bahala kayo! Hulaan ninyo kung ano’ng ginawa ko? Hinila ko si Mhay pabalik upang muling maki-usyoso. May maliit na tao nga sa likod, pero parang natutulog. So, ‘yun si Mahal!

Jologs talaga ako, ano?

0 thoughts on “Si Mahal!

  1. kapag nanonood kami ng MTB sa teevee kasama si charisse (stepmom namin) tinatakpan ng kapatid kong si achi ang mata ni cha kapag sina mahat at mura na ang lumalabas….baka raw kasi sila ang paglihian. 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *