Salamat sa Pinoyblog

‘Di ko kaagad nalaman na napasali pala ako sa featured blogs ng PinoyBlog nong isang linggo. Napansin ko lang noong Lunes o Martes na marami sa referrals ko ay galing doon. Napili pala ang ederic@cyberspace bilang Blog of the Week. Salamat sa mga cyberfriends ko sa PinoyBlog.

Noong Sabado, nakita ko na rin ng personal sa iblog summit sina Philippine Blogging Queen Sassy Lawyer, si Godmother of Filipino Blogger Ate Sienna, at si Master Pinoy Bloggers Yuga. Nagkita rin kami ulit ng ilang cyberfriend at mga kaibigan sa totoong buhay : sina <Markku, Karla, Bryan, J. Angelo, Mike, at marami pang iba.

Eto ang picture namin nina Sassy Lawyer, Yuga, at Markku:

Image courtesy of The Sassy Lawyer, hosted by Photobucket.com

0 Replies to “Salamat sa Pinoyblog”

  1. Pareng Cedric congrats. Noon pa man, idol na kita pagdating sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa Internet. Maraming salamat sa pag-welcome sa akin sa mundo ng bloggers!

  2. uyyyyyy!!! may website ka na ulit??? hindi na sya kidnapped? hehehe

    It was so great to meet you finally in person! sana sa susunod na uwi ko magkita tayo ulit.

Leave a Reply