Sa mga naghahanap ng talumpati

Note: Hindi ako makagagawa o makakapagpadala ng mga talumpati sa e-mail ninyo. Mangyaring pumili na lamang kayo ng alinman sa mga nasa Talumpati category ng ederic@cyberspace o mga talumpating nalathala sa Tinig.com.

Marami na namang mga estudyante ang humihingi sa akin ng talumpati. May mga sanaysay akong maaaring gawing talumpati. Maghahanap ako sa aking arkibo. Pansamantala, eto muna ang pahayag ng pagbati ng kontrobersiyal na si Jose Maria Sison–na depende sa tumitingin ay maaaring terorista o rebolusyonaryo–sa anibersaryo ng Karatula, isang aktibistang samahan ng mga kabataang alagad ng sining at kultura. Maaari itong gamitin bilang isang talumpati.

PAGBATI SA KABATAANG ARTISTA PARA SA TUNAY NA KALAYAAN (KARATULA)
Ni Jose Maria Sison

Tagapangulong Tagapagtatag, Kabataang Makabayan
Tagapangulo, International League of Peoples? Struggle

Setyembre 16, 2006

Malugod na binabati ko ang pamunuan at mga kasapi ng Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (KARATULA) sa okasyon ng ika-6 na anibersaryo ng pagtatatag nito sa Setyembre 16.

Nakiki-isa ako sa inyong layunin na paalabin, pasiglahin at pasulungin ang kilusang kabataan sa pamamagitan ng gawaing pangkultura sa balangkas ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino para sa pambansang kalayaan at demokrasya laban sa imperyalismong US at mga lokal na nagsasamantalang uri.

Pinupuri ko ang KARATULA sa pagkakamit nito ng mga tagumpay sa pagpapalakas ng organisasyon at sa pagpapaluwal ng mga likhain at pagtatanghal na makasining.

Batay sa inyong mga tagumpay at sa mga aral mula sa inyong karanasan, inyong mapagpapasyahan at maisasakatuparan ang ibayong pagsulong sa pakikibaka.

Matindi ang hamon sa inyo ngayon para lalong paghusayin ang inyong pagkilos at ang paggamit sa inyong mga kakayahan sa sining para itaguyod, ipagtanggol at isulong ang mga karapatan at interes ng kabataang-estudyante at malawak na masa. Nasa gitna kayo ng malubhang krisis ng lokal na naghaharing sistema at pandaigdigang sistemang kapitalista at kinakaharap din kayo ng rehimeng Arroyo na sukdulan ang pagiging papet, bulok, malupit at mapanlinlang.

Labis labis na ang paghihirap ng sambayanang Pilipino, laluna ang mga anakpawis at mga nasa panggitnang saray. Ito ang kalagayan ng nakararaming kabataan at mga estudyante. Bunga ng mga patakarang diktado ng imperyalismong US ang di-maibsang paghihirap ng bayan. Lalong pinalulubha ang pagsasamantala sa ilalim ng patakarang tinaguriang ?neoliberal globalization?. Umiiral ang matinding terorismo ng estado sa ilalim ng patakarang tinaguriang ?global war on terror?.

Kailangang labanan nang puspusan at gapiin ang rehimeng Arroyo bilang kagyat na kaaway na siyang pangunahing kinatawan ng mga naghaharing uri sa kasalukuyan. Sa ganitong paraan, makakaipon tayo ng lakas para labanan at ibagsak ang buong mapagsamantalang sistema ng malalaking komprador at panginoong maylupa. Sa pakikibaka, may ibat ibang sandatang hawak ng mga mamamayan. May ibat ibang porma ng pakikibaka.

Taglay ninyo bilang natatanging sandata ang rebolusyonaryo, makabayan, demokratiko at syentipikong kultura. Gamitin ito laban sa reaksiyunaryo, maka-imperyalista, marahas at mapanlokong kultura na ipinalalaganap ng rehimeng Arroyo. Laging patalasin ang inyong sandata at ituon ito sa tamang target. Laging sikapin na maliwanag ang mensahe at kaakit-akit ang nilalaman at estilo ng inyong mga linilikha at itinatanghal para sa masang pinupukaw, inuorganisa at pinapakilos.

Dapat maganda ang pagkakagawa at pagtatanghal ng mga akda, awit, musika, guhit, tula at dula. Dapat tumalab ang mga ito sa mga nagbabasa, nanonood, nagmamasid at nakikinig. Dapat madaling lumaganap ang mga ito sa masa at sa buong bansa. Hindi natin magagapi ang kaaway kung hindi tayo mananalo sa larangan ng kultura sa pangkalahatan at sa sining at panitikan sa partikular. Mapurol at walang sigla ang anumang kilusan na walang sandatang kultura.

Dapat masinop, masipag at masigag kayo sa pag-atupag sa mga gawain sa pag-oorganisa ng mga kabataang artista. Kapag mas malaki at mas malawak ang inyong organisasyon, mas malaki rin ang magagawa ninyo sa larangan ng pakikibakang pangkultura. Dapat sinasadya ninyong akitin at hikayatin ang mga kabataang artista o yong may hilig sa sining. Bigyan ng pansin ang mga lumalapit dahil naaakit ng inyong mga gawa at prestihyo. Dapat may batayang pagpapaliwanag at pag-aaral para sa lahat ng sumasapi sa inyong organisasyon. Ang ibayong pag-aaral at paglahok sa mga gawain ng organisasyon kaugnay ng kilusang masa ang magpapatibay sa pagiging kasapi at sa pagbubuo ng mga sangay ng KARATULA.

Mahalaga at mapagpasiya ang papel ng mga artistang rebolusyonaryo. Sa pamamagitan ng mga pagtatanghal, madali at mabilis nilang naipapalaganap ang mga rebolusyonaryong diwa, isip at damdamin. Madaling tanggapin ang rebolusyonaryong mensahe kung ito ay naglalarawan ng mga pangangailangan at hangarin ng masa at sa paraang maliwanag at swabe ang dating. Isang tiyak na palatandaan ng pagsulong ng rebolusyon ang paglaganap sa hanay ng milyun-milyong mamamayan ang pagtangkilik sa mga rebolusyonaryong awit.

627 Comments

  1. hello po…nais ko po sanang makahinngi ng ilang talumpati mula sa inyo…inaasahan ko po na pagbibigyan nyo ang aking hiling. Gusto ko lang po sana na magkaroon ng kahit maikling talumpati na hindi aabot ng dalawang minuto…inaasahan ko po ang mabilis na pagpapadala nyo ng ilang talumpati sa akin. Ipadala nyo na lang po sa aking e-mail add…maraming salamat po!

  2. Hello! Gusto ko rin sanang magkaron ng iba’t ibang talumpati, para makapamili naman ako…kasi yun ang final exam namin…sana po matulungan nyo me.thank you and godbless! :)

  3. hello po…nais ko po sanang makahinngi ng ilang talumpati mula sa inyo…inaasahan ko po na pagbibigyan nyo ang aking hiling. Gusto ko lang po sana na magkaroon ng kahit maikling talumpati na hindi aabot ng dalawang minuto…inaasahan ko po ang mabilis na pagpapadala nyo ng ilang talumpati sa akin. Ipadala nyo na lang po sa aking e-mail add…maraming salamat po!

  4. pede po bang makahingi ng maikling talumpati… kinakailangan ko lang po talaga… wala kasing bngay na topic sa amin eh.. sana mapagbigyan nyo po ako.. kailangan ko na po xa bukas.. salamat

  5. hello po…sana po matulungan nyo ko sa aking talumpati kasi po kailangan nmin sa finalexam……………….. hintayin ko na lang po.. salamat..

  6. phingi puh ng talumpati.. 2ngkol puh sa town fiesta,, tgalog puh.. kailangan q puh tlaga.. sana puh mgawan nyo q.. thankz a lot puh..maili lng puh ung kailangan q.. ill w8 4 ur responce ..

  7. kailangan ko po ng talumpati s monday na… waaaaaaaaaaaaaaa….. help me nmn po… about kalikasan…. pls pls pls……..=) email nyu n lng skn.. downhearted_27@yahoo.com … pls kailngan lng po.. mxdo lng bc kea walang enaf tym… ok. lng kng my kapalit.. hehehehhe.. anything… hehehehehe. bsta kya ko… 3pages po baliktaran.. tnxshoooo….

  8. hi!…kailangan ko po ng talumpati yung maiksi lang kasi kailangan namin para sa filipino subject dahil dedepensahan namin ang naturang talupati!…thx

  9. pede po ngayun na kc bukas na yun eh!!…mga limang maikling talumpati lang po…hihintayin ko po ang inyong talumpati!!…thx

  10. kailangan ko po ngayon ang talumpati na mababasa ko lamang hanggang limang minuto ……………pls. lang po

    pls. send it to my e mail add…….
    thank you very much …………..
    good day …………..
    chat naman tayo …………………………………….

  11. kailangan ko po ng maikling talumpat na ndi lalampas sa 4 n minuto… ang aking title po ay “Ang Aking Buhay Matapos Bumagsak sa Filipino” Filipino as in ung subject po n filipino… sa sabado ko n po sya peperform…
    pls

  12. magandang umaga po sana po ay matulungan nyo po ako sa aking problema kailangan ko po ng isang talumpati tungkol sa pag-ibig at pag-aaral hindi lalagpas sa 4 na minuto sana po ay matulungan nyo po ako dahil para ito sa finals namin,paki send na lng po sa aking e-mail kailangan ko po ang talumpati sa oktubre 20, 2006 ng 3:00 ng hapon maraming salamat po sana po ay matulungan nyo po ako…..

  13. kamusta po kailangan ko po ng isang maikli at napapanahong talumpati na hindi aabot ng 3 minuto… kailangan ko na po sa Linggo umaasa po akong matutugunan ang aking hinihingi sainyo, maraming salamat po sainyo… God Bless You All!!!.

  14. salamat po sa mga nagpopost ng mga talumpati. kailangan ko po kasi dahil project, eh wala naman po akong makunan. then nakita ko ito. ty… godbless.. continue the goodwork

  15. magandang araw po..pwedi pakigawaan po naman ako ng talumpati na makabago at naaayon sa ating panahon ngayon?kailangan ko po kasi sa aming klase para sa aming midterm exam… maraming salamat po…

  16. Pwede poh bang gawahan niyo po ako ng talumpati tungkol sa graduation at yung sitwasyon po is ako po yung valdictorian Hind po sa pagiging tamad pero gagawin ko lang po sanang basis, kelangan ko po talaga bukas ng umaga, pakusap po isend niyo sa email ko. Pls po akisend po agad, sana po bgyan niyo ng pansin. salamt

  17. magandang araw po..pakigawaan naman po ako ng talumpati na nagbibigay galang sa ating mahal na pangulong GLORIA MACAPAGAL ARROYO.. Kailingan ko na po bukas.. Kung wala akong talumpati bagsak po ako sa aming FILIPINO na subject…pakisend lang po sa aking email add.. MCICE19@YAHOO.COM
    maraming salamat po…

  18. hi!
    pahingi po ng talumpati. pwede pong tungkol sa kaibigan.

    thanks po!
    i need it now!
    paki send nalng po sa mail ko.
    more power!

    p.s: please send it to me A.S.A.P

  19. kaylangan ko
    din po ng talumpati
    ngaun na po
    2ngkol sa buhay estudyante.
    tanx…
    babagsak na ko help nman ang hrap
    gmwa ng talumpati demanding
    pa mga titser…

  20. pwede po ba manghingi ng tulong?????

    kasi po kailangan ko ng talumpati ngaun eh……

    pwede po ba kayong maka-send saakin ngaun ng talumpati?????

    yong mababa lang po…..

    kahit isang page lng ng short bond paper….

    ngayong 1:00pm ko po kasi gagamitin……

    sana matulungan ninyoako…..

    salamat poh!!!!

  21. pwede poh ba kayong magpadala ng maikling talumpati….plss..pwede poh ba ngayona kasi kailangan ko na ngayon

  22. pahingi naman ng talumpati yung tungkol sa pag-ibig hindi aabot ng 3minnto. sige nanaman poh need ko lang kailangan ko na ppls help me paki padala na lng poh sa email add. ko pasa namin sa thursday nov302006

  23. magandang araw po…nangangailangan po kami ng talumpati…
    sana po ay ma padalhan ninyo ako ng ilan…ung maikli lang po…sana ay mabigyan ninyo ako ng tatlo para po sa aming magkakaibigan…
    umaasa po ako na makuha ito sa lalong madaling panahon…

  24. gud pm po…
    kaylangan ko po ng talumpati….
    sana po ay mabigyan ninyo ako….
    kaylangan ko na po talaga..
    salamat po….

  25. kaylangan ko po ng talumpati nursing student po ako pwde po ba ung related sa course ko ung ibibigay nyo sakin urgent po mga dalawa po kung pwede salamat po

  26. klngan ko po ng talumpati na nppnhon sa ngyon khit n anong topic current events, politics or anything plzzzzzzzzz………..

  27. kelangan ko po ng talumpating pampasigla,, e hindi ko po alm yun,, patulong naman po,, tom ko na po kelangan

  28. Ei pde po ba akong humingi sa inyo ng Talumpati,, ung maiksi lang po. Ung kakasya sa isang Short bond paper.. maraming salamat po!
    and more power! ahheheehhehe…
    tnx, pkisend po sa akin, ASAP.
    tnx ulit

  29. Hello po.. PEde po makahingi ng tula po, tungkol po sana sa kabataan.. Maraming slamt po.. Inaasahan ko po ang inyong kabaitan.. Maraming maraming salamat//

Comments are closed.