Sa Jollibee

Kumakain kami ni Mhay sa Jollibee nang biglang may pumasok na dalawa (o tatlong?) madre. Hulaan ninyo kung ano ang naisip namin?

At pagtingin ko sa kanan ko, ‘yung isang babae, tinatapik-tapik ang mesang kinakainan nila habang tumatawa. Napabunghalit na lang ako ng tawa.

Aliw lang. Kahit hindi ko naman talaga paborito o gusto ‘yung commercial na ‘yun.

Kagabi naman, may nakasakay akong dalagitang naka-T-shirt na Jollibee. Nalaman ko later na nagtatrabaho pala sila sa Jollibee. Puwede raw palang magpabili sa kanila ng Jollibee items. Yehey!

Leave a Reply