Sa ika-144

Sa ika-144 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, watak-watak pa rin ang kanyang mga tagasunod.

Kahapon, ang mga rebeldeng sundalong tagahanga niya’y nagprotesta. Kinubkob nila ang Peninsula Manila at nanawagan ng panibagong pag-aalsa. Ngunit iilang dosena ang sumama. Sinundo sila ng mga tangke ng sundalong tapat sa rehimen at nakaposas na binitbit ng mga pulis.

Ang mga elitistang galit kay Gloria, naglalaro ng golf nang pumutok ang balita.

Kanina, inalala ng mga aktibista ang kaarawan ng Supremo. Wala sila sa mga kalsada kahapon sa kabila ng panawagan. Kanina ang araw nila.

Kanina, naglabas ng pahayag ng suporta at pakikiisa sa mga rebeldeng sundalo ang mga rebeldeng komunista. Atrasado nang isang araw ang reaksyon nila.

Ang malaya at makatarungang lipunan na pangarap ng Supremo ng Katipunan at Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan, tila di pa rin kayang kamtin ng mga makabayang tagasunod niya. Naipamana nga ata ng Katipunan ang pagkakahati-hati nito sa mga makabagong kilusan.

Samantala, masaya pa rin sa kanyang tronong umano’y nakaw ang Senorita Hello Garci — reyna ng Enchanted Kingdom — na ngayo’y unti-unti na ring nakikilala bilang Pinoy Big Briber.

Nakakulong pa rin ang Pilipinas sa pag-ulit-ulit ng trahedya ng rebolusyon.

5 thoughts on “Sa ika-144

  1. Ang nakakalungkot na mga pangyayari nitong mga nakaraang araw at ang mga kapos na paggunita sa kaarawa, kagitingan at aral ng Supremo ay senyales na malubhang-malubha na talaga ang kabulukan ng ating lipunan.

    Konting tiis na lang at malapit na rin itong magunaw.

  2. makakaya ko kayang kwentahin ang mga naipamudmod ni pinoy big briber?

    medyo “nahihiwagaan” din ako kung bakit di sila nakarating nung huwebes…samantalang kalimitan ay mabilis naman sila mag mobilize…

  3. O Panginoon, nawa’y basbasan niyo kami ng mga lider na tunay na magbubuklod sa buong bansa. Mga lider na uunahin ang kapakanan ng nakararami at magtataguyod ng kapayapaan at kasaganaan para sa lahat ng mamamayan ng mahal naming Inang Bayan. Amen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *