Reymond Sajor, kampyeon sa WCOPA

Narito ang isa namang dahilan upang maipagmalaki ang pagiging Pilipino.

Si Reymond Sajor–dating Philippine Idol finalist–ang bagong new Grand Champion Senior Vocalist of the World sa katatapos lamang na 11th World Championships of Performing Arts (WCOPA) , ayon sa STAGES publicist na si Oliver Oliveros.

Ang 11-taong gulang na si Aria Clemente naman ang Grand Champion Junior Vocalist of the World at Over-all Grand Champion of the World sa Junior Division ng WCOPA na ginanap sa Hollywood sa California, USA.

Tinalo nina Reymond at Aria ang mahigit 50 mang-aawit mula sa iba’t ibang bansa.

Noong 2005, isa ring Pilipino, si Jed Madela, ang naging kampyeon sa WCOPA.

Isa sa pinakamahuhusay sa Philippine Idol si Reymond Sajor pero maaga siyang natanggal sa laban dahil kaunti lamang ang nakuha niyang text votes. Maliban kay Pow Chavez, siya ang paborito namin ni Mhay. Kaya lang natanggal agad siya.

Pakinggan ninyo ang mahusay na bersyon niya ng “Hindi Magbabago” ni Randy Santiago (Ang video ay pag-aari ang ABC 5 na ini-upload ng isang Philippine Idol fan sa YouTube.):

May naunang posts sina Empress Maruja at Joel Reyes tungkol sa pagkakapanalo ng mga kababayan natin.

2 Replies to “Reymond Sajor, kampyeon sa WCOPA”

  1. Iba talaga ang Pinoy. Kahit saan mo man dalin ay puwedeng ipagmalaki. Sana’y maging inspirasyon sila sa ating mga kabataan. Break lang kailangan ng bawat Pilipino para umunlad.

Leave a Reply