Unlimited Nga Ba?

Kagabi, may limang beses akong nagtangkang sumali sa unlimited text ng Smart. Last day ng promo kaya’t naisipan kong humabol upang makatipid sa load.

Una kong sinubukan yung P60 para sa apat na araw. Ang sagot sa akin: “Sorry hindi ma-process ang inyong request.Pwede ka mag-2Days Unlimited Txt OverNight(1pm-7am)w/ 9 free SMART txt daytime. Txt 20on(4Buddy)or 15on(4TNT) to 258.”

Na siya ko namang ginawa. Ang sagot na dumating sa akin, ang parehong mensahe rin na nasa itaas. Dahil makulit ako, umulit ako nang umulit, hanggang sa ito naman ang dumating:

“Sorry the promo for SMART 258 20 OVERNIGHT is only until Feb 1, 2006. This invalid SMS transaction will be charged P1.”

P3ska! At nalugi pa ako ng piso!

Ang punto ko lang naman, ano baga’t naata-ata ang Smart ng pag-gawa ng ganireng promo, ay
indi naman pala nila kaya!

0 Replies to “Unlimited Nga Ba?”

  1. Ewan ko kung totoong unlimited and unlimited ng Smart, pag nakaabot ka na ng mahigit kumulang na 7,000 msgs sa kung ilang araw mong pag text.Hindi ka na makakapasok pa kahit anong pag register ang gawin mo. Naka tatlo na akong SIM at un lagi ang nangyari.May mahigit isang buwan na noong huli akong makapasok sa 258.Hindi ako naniniwala na Unlimited ang promo nila.

Leave a Reply