Pow Chavez
Pow Chavez

Sa aming dalawa ni Mhay, ako yung jologs. Tipong makapal ang mukha na kayang lumapit sa mga celebrity at magpa-picture o mag-request ng autograph. Noong Biyernes, habang naglilibot kami sa isang mall, sabi ko: “Paano pala kung nandito si Pow Chavez, magpapa-picture ka ba?” Sagot niya pagkatapos ng maikling pause: “Oo.” At natawa na lang kami. Pero sayang wala naman talaga roon si Pow.

Kung hindi mo kilala si Pow — loser ka. Joke lang, hehe. Siguro, di mo pa napanood ang Philippine Idol sa ABC-5. Si Pow Chavez, para sa mga hindi nakakaalam, ay isa sa mga contestant ng talent search na ito. Siya ang tinataya namin ni Mhay na magiging unang Philippine Idol. Siya rin ang Philippine Idol ni Mig-Mig, ang 3-year-old nephew ni Mhay.

Una ko pa lang siyang napanood sa palabas, napanganga na ako sa boses ni Pow. Sabi ko, kapag nagka-album na siya, siguradong bibili ako. Eto ang sample ng pagkanta niya.

Sa mga may cellphone, tulungan natin si Pow. Just type POW and send to 2339. Pero gawin ninyo ito mamaya, sa loob ng dalawang oras pagkatapos ng palabas para masama ang inyong boto.

Sa tingin din ni Ryan Cayabyab o Mr. C, isa sa mga judges, “POW will win the “Philippine Idol” title. She has charm, a magnetic personality and a natural singing voice. Everyone loves her.” (INQ7) Si Pow rin ang sinabi ni Direk Joey Reyes na mananalo. Pati rin daw si Kris Aquino, si Pow ang bet.

Samantala, gusto kong makasama ni Pow sa top 3 sina Mau Marcelo at Apple Chiu.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts