Pow Chavez, Philippine Idol

Photo from Philippine Idol website | hosted by Photobucket.comSa aming dalawa ni Mhay, ako yung jologs. Tipong makapal ang mukha na kayang lumapit sa mga celebrity at magpa-picture o mag-request ng autograph. Noong Biyernes, habang naglilibot kami sa isang mall, sabi ko: “Paano pala kung nandito si Pow Chavez, magpapa-picture ka ba?” Sagot niya pagkatapos ng maikling pause: “Oo.” At natawa na lang kami. Pero sayang wala naman talaga roon si Pow.

Kung hindi mo kilala si Pow–loser ka. Joke lang, hehe. Siguro, di mo pa napanood ang Philippine Idol sa ABC-5. Si Pow Chavez, para sa mga hindi nakakaalam, ay isa sa mga contestant ng talent search na ito. Siya ang tinataya namin ni Mhay na magiging unang Philippine Idol. Siya rin ang Philippine Idol ni Mig-Mig, ang 3-year-old nephew ni Mhay.

Una ko pa lang siyang napanood sa palabas, napanganga na ako sa boses ni Pow. Sabi ko, kapag nagka-album na siya, siguradong bibili ako. Eto ang sample ng pagkanta niya.

Sa mga may cellphone, tulungan natin si Pow. Just type POW and send to 2339. Pero gawin ninyo ito mamaya, sa loob ng dalawang oras pagkatapos ng palabas para masama ang inyong boto.

Sa tingin din ni Ryan Cayabyab o Mr. C, isa sa mga judges, “POW will win the ‘Philippine Idol’ title. She has charm, a magnetic personality and a natural singing voice. Everyone loves her.” (INQ7) Si Pow rin ang sinabi ni Direk Joey Reyes na mananalo. Pati rin daw si Kris Aquino, si Pow ang bet.

Samantala, gusto kong makasama ni Pow sa top 3 sina Mau Marcelo at Apple Chiu.

0 thoughts on “Pow Chavez, Philippine Idol”

  1. I’m also a fan of Pow. Not just because she’s an alumna of my school, but because i think she has what it takes to become the 1st Phil. Idol. Aside from her having a really really astonishing and versatile voice, she also has good moral values, and she was a diligent student (accdg. to my teachers). At isa pa, nagpapakatotoo siya sa sarili niya. Yan ang tunay na idol!! Go POW!!!

  2. one time nanood ako ng philippine idol, inamin ni mr. c na he predicted that pow would be the 1st phil. idol at na shock ako (o baka nagulat lang ako..) kasi ako at ng ate ko ay nagpredict din na si pow ang magiging 1st phil. idol. kaya ngayon, feel ko nga palaging pinagagalitan si pow ni mr. c kahit super ganda na ng performance ni pow dahil ayaw nyang (si mr. c) pamahiya sa prediction nya…. gets nyo ko??? kahit ganoon, GALING MO POW!!!

  3. OR pinapagalitan niya si POW para wag maging complacent ang supporters niya. Mr. C has learned to manipulate voters who have the tendency to vote for underdogs.

  4. I still believe that pow can make it in the music industry because she has the voice na hindi mo pwedeng hindi pakinggan and she has a face who cannot say no to. Nung finals night second day napanood ng tita ko nung kumanta si pow with Aiza Seguerra ang sabi ng tita ko magaling si pow at maganda ang boses,ibat iba ang voice na lumalabas sa kanya,and walang tulak kabigin sa kanila ni aiza and maganda din daw ang mukha,i hope magkaroon sya ng marami pang album in the future..i pray for her success and happiness and also to her family good health.

  5. Gosh i cant believe that Pow is fulfilling her dreams. She used to be an achiever at my school and everyone liked her. I’m so proud that amidst everything she’s been through she continues to prove to the world na kaya niya.

  6. Hi Pat, siguro nga, pinagpapala ang mga taong mapagpakumbaba. Halatang-halata kay Pow sa kung paano siya kumilos, magsalita, at makitungo sa mga kasama (at least sa harap ng kamera) ang kanyang kababaang-loob. Naniniwala akong ganoon din siya sa tunay na buhay, at sana, hindi siya magbago. 🙂

  7. Pow is super mabaet. 🙂 Simple lang at hindi mahilig magpretend. Hindi ko akalain na serious pala siya with regards to singing. She would sing but not in a serious way sometimes with her sister pa nga who is really beautiful at magaling din kumanta. But i assure you, on or off cam ganun talaga siya with people.

Leave a Reply