Pow Chavez, pasok sa top 5

Pasok sa Top 5 ng Philippine Idol si Pow Chavez, ang paborito kong Philippine Idol. Salamat sa mga bomoto!

Si Ken Dingle naman ang natanggal. Kasama niya sa bottom 3 sina Jan Nieto at Mau Marcelo. Buti na lang, pasok pa rin si Mau. May pag-asa pa ang Philippine Idol dahil nariyan pa sila ni Pow.

At sinuwerte si Mo Twister! Hindi siya magdi-dress. Ang dare niya kasi kagabi, kapag hindi natanggal si Ken, magsusuot siya ng mini-skirt ni Mamita.

***

Sa ibang mga balita:

Tatakbo raw na mayor ng Maynila si Senator Ping Lacson.

Tinangka namang arestuhin sa Malacañang ang reporter na si Mia Gonzalez dahil sa libel case na isinampa ni First Gentleman Mike Arroyo laban sa kanya.

At nagbubunyi ang sambayanan dahil sa pagkakapanalo ni Ronato Alcano sa 2006 World Pool Championship.

0 thoughts on “Pow Chavez, pasok sa top 5

  1. buti na lang at natanggal na si dingle. maagang natanggal si apple at arms dahil sa kanya.

    i’m rooting for gian and pow. si mau kasi biritera. marami ng ganyan sa showbiz.although magaling talaga siya.pero mas gusto ko na ngayon si gian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *