Pope John Paul II, We Love You!

Image hosted by Photobucket.comBalot ng kalungkutan ang buong mundo ngayon dahil sa pagpanaw ni Pope John Paul II.

Ang Santo Papa, si Karol Józef Wojtyla ng Wadowice, Poland, ay naging pinuno ng Simbahang Katoliko sa loob ng 26 na taon. Tinawag siya ng Lumikha sa sa edad na 84.

Kilala at hinahangaan sa buong daigdig ang Santo Papa dahil sa kanyang pagsusulong ng kapayapaan at kalayaan at sa kanyang pagmamahal sa sangkatauhan. Isinusulong niya ang pagkakaunawaan sa pagitan ng iba’t ibang pananampalataya. Gusto rin niyang magkaisa ang mga Kristiyano. Nilibot niya ang buong mundo upang personal na dalhin ang magandang balita ng ating Panginoong Hesukristo.

Pero konserbatibo siya sa ilang mga usapin. Mahigpit niyang tinuligsa ang family planning at abortion, gay marriage, at iba pang bagay na salungat sa turo ng Simbahan. Sinasabing instrumental din siya sa pagbagsak ng komunismo sa Europa.

Sa gitna ng dalamhati dahil sa kanyang pagpanaw, dapat din magdulot ng kasiyahan ang katotohanang siya ngayo’y kapiling na ng Lumikha.

0 thoughts on “Pope John Paul II, We Love You!”

Leave a Reply