Pinoy Big Brother update

Isang gabi bago ang laban nina Manny Pacquiao at Jorge Solis, nanood kami ng Pinoy Big Brother eviction night. Apat ang nominado: sina Bodie Cruz, Gee-Ann Abrahan, Dionne Monsanto, at Kian Kasemi.

Natuwa ako nung maligtas sa eviction si Dionne–taga-University of the Philippines College Cebu at kasapi ng League of Filipino Students, na isa sa mga gusto kong manatili sa PBB. Kinaiinisan siya ng iba dahil sa laging pagkakaroon ng ka-loveteam, pero ‘di ba’t nagpapakatotoo lang si Dionne? Sayang naman at natanggal si Kian ng La Salle Benilde–cool siya at laging positibo.

May dalawang taga-UP nga pala ngayon sa PBB–sina Dionne at Bruce Quebral ng UP Fighting Maroons.

Malakas talaga sa mga manonood si Gee-Ann. Dahil kaya ito sa ayon sa pinsan ko’y X-factor? Si Bodie nga pala ay anak ni Tirso Cruz II, na dating ka-love team ni Nora Aunor.

Kasama sa Top 4 bets namin ngayon ang mabait na batang “hip-hop dancing king”, Mickey Perz ng Switzerland; sina Dionne at Bruce ng magkaibang UP campus; at Wendy Valdez ng Navotas, ang “hot commercial babe ng PBB.”

0 thoughts on “Pinoy Big Brother update”

  1. i don’t like dione but she can be tolerated, unlike wendy whose papansin, plastic and a certified backstabber.

Leave a Reply