Pinoy Abroad Anniversary Special (Part 2)

From Pinoy Abroad staff:

Nalagpasan man nila Rhea Santos at Ivan Mayrina ang mga hamon sa kanila noong nakaraang Miyerkoles — si Rhea bilang domestic helper at babysitter sa Paris, France at si Ivan bilang tour guide at trabahador sa dry docks ng Dubai , UAE — hindi pa tapos ang pagsubok sa kanilang tatag bilang Overseas Filipino Workers.

Pero kayanin kaya nila ang susunod na mga hamon?

Si Rhea masusubukan ang galing sa pagluluto sa isa sa mga eksklusibong restaurant sa Paris. Mula sa paggiling ng karne, pagluluto ng tahong hanggang sa maingat na paghahanda ng masarap na strawberry cake. Papasa kaya siya sa mapanuring panlasa ng mga Pranses? Pagkatapos, haharapin naman niya ang pagiging chambermaid. Limang palapag ng isang sikat na inn sa Paris ang lilinisin niya nang walang hinto.

Masusubukan naman ang kakayahan ni Ivan sa β€œmarketing” sa pagsabak niya sa magulong mundo ng bentahan. Mula sa pag-oorganisa ng mga produkto para sa isang supermarket at paghihimay ng karne sa isang grocery store. Masusubukan din ang kanilang pasensya sa pagiging waiter sa isang mataong restoran.

Samahang muli sina Rhea at Ivan sa kanilang pagbibigay-pugay sa mga kababayan nating nakikipagsapalaran sa ibang bansa ngayong Miyerkoles, April 26, pagkatapos ng Saksi.

0 thoughts on “Pinoy Abroad Anniversary Special (Part 2)”

  1. wala pong pinoy tv dito ..sabi ng bayaw ko medyo malabo …dupang ang abs e pumirma ata ng contract ang starhub na hindi pwedeng tumanggap ng ibang pinoy channel …. e ang starhub lang ang nagiisang cable tv dito πŸ™

Leave a Reply