Philippine Bloggies 2007

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Maraming salamat po sa mga bumubuo ng 2007 Philippine Blog Awards–sa pangunguna nina Abe Olandres, Gail de la Cruz-Villanueva, at Jayvee Fernandez–sa pagkakaloob sa akin ng Globe Broadband‘s Pinoy Ako special award ng pinakaunang Bloggies sa ating bansa. Maraming salamat din sa mga nag-text at nag-comment para bumati sa akin dito sa blog ko mula pa kamakalawa ng gabi.

Salamat at Congrats din kay Markku–na nanalo ng Best Plugin sa special awards category–sa pagtanggap ng aking trophy. Ninenok ko ang larawan ni Markku sa Flickr account ni Karla. Marami pang Bloggies pics doon.

Salamat sa Globelines. Puwede rin kaya silang kulitin tungkol sa problema ng mga texter sa Unlimitxt?

Salamat sa aking friends at cyberfriends na nagbabasa ng ederic@cyberspace, at salamat kay Mhay, ang mapagmahal na lakambining nagpapasigla sa aking payak na panulat.

Pagbati rin sa Queen of Philippine Blogging, si Connie (aka The Sassy Lawyer) na pinarangalan ng Blog Achievement Award para sa kanyang The Mommy Journals–na di ko napansing nagpalit ng pangalan mula sa House on A Hill–at Noemi na nagkamit naman ng Family Blog Award, kapwa galing din sa Globe Broadband.

Congrats din sa lahat ng mga nanalo lalo na kina Shari (Best Personal Blog), sa PCIJ (Best News & Media Blog), classmate Max (Best Technology Blog) at Kuya Batjay (Best OFW Blog).

Lumabas sa GMANews.tv ang report tungkol sa Bloggies, at may “thoughts on Philippine blogging” entry sa blog niya si Bikoy.

Eto ang kumpletong listahan ng mga nanalo.

Best Personal Blog: Misteryosa
Best Home & Living Blog: Wifely Steps
Best Socio-Political Blog: Philippine Commentary
Best News & Media Blog: Inside PCIJ

Best Fashion & Lifestyle Blog: Bryanboy: Le Superstar Fabuleux
Podcast of the Year: HappySlip
Best Technology Blog: Leon Kilat: The Cybercafe Experiments
Best Business/Entrepreneur Blog: Reflections of a BizDrivenLife
Best Entertainment Blog: Retzwerx

Best Sports & Recreation Blog: Who rides a Vespa?
Best Travel Blog: Ivan About Town
PhotoBlog of the Year: Seรƒยฑor Enrique: Wish You Were Here

For the Special Awards winners, we have…

Best Blog Design: Far from Neutral Notions
Best Free Custom Theme: Blu3zin3

Best Plugin/Extension: iPap
Best OFW Blog: Kwentong Tambay
Bloggers’ Choice Awards: MarketManila

And last but not the least, the Globe Broadband Awards winners…

Blog Achievement Award: The Mommy Journals
Pinoy Ako Blog Award: ederic@cyberspace

Family Blog Award: About My Recovery
Blogirl Award: Well Whatever
Deliblog Award: Dessert Comes First

0 thoughts on “Philippine Bloggies 2007”

  1. noemi, liz, BatJay: Salamat po.

    AJ: Buti na lang pumayag si Markku, hehe.

    Connie : Nagkita na tayo sa unang iblog. siguro sa susunod na iblog ulit hehe :p

    Lordan at atomicgirl: Salamat din sa inyo.

  2. Uy, ganda ng photo namin ni Jen ah! =)

    Ederic sayang wala ka dun, sikat ka pa naman. Talagang napaka-proud kong kinuha yung award mo, alam kong ikaw talaga mananalo dun eh! Ang plano talaga dapat, kami ni AJ saka ni Kiven ang kukuha para full-force ang peyups! Hahaha.

  3. Markku: Balita ko may tulakan pa, hehe. Mukhang masaya yung gimik nyo after the awards night, ah.

    Ivan: Thanks. Nakita kita sa TV kahapon.

    Jaypee: Salamat. Si Markku yan, kaya mas guwaping. Hehe.

  4. pare, congrats ha! sayang wala ka dun. I was telling karla nga na dapat siya nalang umakyat dun, eh nahihiya kaya si markku nalng umakyat. haha.

Leave a Reply