Pinoy Big Brother Teen Edition

Ipinakilala na kagabi ang mga housemate sa Pinoy Big Brother Teen Edition ng ABS-CBN. Nakakaliw yung presentation. SA VTR ng pagpapakilala sa housemates ay mga cartoons na kamukha ng mga nila. Pagkatapos, bawat isa’y dumating nang nakaangkas sa motorsiklo.

Narito ang listahan ng mga tatambay sa bahay ni Kuya ngayong summer. Ang mga datos ay base lamang sa napanood ko, kaya’t hindi gaanong kumpleto. Isa nga lang ang nakuha ko ang apelyido dahil sa damit na suot niya sa VTR.

1. Gerald Anderson ng General Santos, Filipino-American, basketball heartthrob ng GenSan. Fil-Am na naman? Medyo bulol mag-Tagalog ang batang ito. Mukhang nag-Friendster muna bago pumasok sa bahay ni Kuya.

2. Niña Atienza, Magandang Assumptionista

3. Mikee Lee ng Quezon City, Atenista, tila ang Mr. Academics ng grupo.

4. Kim Chiu ng Cebu, 16, timid girl daw, galing sa isang broken family (Naalala ko tuloy yung kuwento ng isang kaibigan ko dati tungkol sa high school classmate niya na nnong recollection nila bago ang graduation ay bumanat ng “Alam nyo kasi, classmates, I’m a broken family.” Natawa tuloy sila sa halip na mabagbag ang damdamin. Pero huwag isiping ginagawa kong katatawanan ang pagiging galing sa broken family.)

5. Bam Romana ng Parañaque, 16, komedyante’t madaldal, makulit. Naulila sa ama at sa ate. Mukhang siya ang magpapatawa sa mga housemate niya.

6. Olyn Membian ng Quezon City, kikay at fashionista perodi raw siya maarte

(Sa commercial break matapos ipakilala ang ika-anim na housemate, natawa ako kasi akala ko kasali sa housemates yung bidang babae hehe sa teaser ng isang asianovela sa Channel 2.)

7. Fred Payawan ng Parañaque, disiplinadong cadet officer, anak ng militar, nagpapalaki ng katawan. Agad nabigyan ni Kuya ng task sa unang gabi pa lang nila sa bahay.

8. Clare Cabiguin ng Bukidnon, beauty queen ng grupo. May boyfriend sa labas. Delikado siya. Baka magaya sa kay Bianca Gonzales, may nakatagpong Zanjoe Marudo sa loob ng bahay.

9. Aldred Gatchalian ng Pasay, 16, High school valedictorian. Mahilig mamalengke at magluto. Mukhang mabait na bata kasi bubusugin daw niya ang housemates niya. Kaya lang parang nerbyoso.

10. Mikki Arceo ng Davao, 18. Original daw siya. Parang si Mitch, pero mala-Keanna Reeves din. Gusto ko itong batang ito. Palaban. Sinugod daw niya sa opisina yung kabit ng tatay niya. Asteeg!

11. Matt Evans ng Quezon City, Fil-Am pero Pinoy na Pinoy. music person gaya ni Budoy. Parang united colors of benetton sila ng mga kapatid niya. Okay rin ‘tong batang to. Puwede siyang maging Jollibee model. Sabi niya: “Maging masaya ka lang kahit anong problema ang ibigay sa iyo.” Wala raw naman kasing ibibigay ang Panginoon na hindi natin kayang harapin.

12. Jamilla Obispo. Single mom, nagtrabaho sa club para sa anak niyang may bingot. Bata pa pero mukhang pinanday na ng karanasan.

(Update: Pagkatapos lumabas ni Aldred, ipinasok sa bahay si Joaquin Mendoza ng Parañaque. Pagkatapos naman ang forced eviction ni Bam. ipinasok si Brenda Fox ng Zambales.)

Hmm, may Atenista, pero walang taga-UP? sayang. Sabi nga ni annahojmai ng Peyups.com:

“mas maganda siguro kung may upian. naalala ko nagbibiruan kami ng blockmates ko,audition kami sa pbb then if we get accepted we’ll go ranting about the cancer of the society and political stuff. asa naman yun. haha.”

Interesting mapanood kung paano magkikipag-ugnay yung mga bata sa isa’t isa. Isipin mo yung 12 na magkakasama sa bahay. Tapos mga teen-ager ito na may kanya-kanyang drama sa buhay. Sa limang roommates nila, ilan kaya ang roommates from hell? Ilan ang best friend material?

Kapag mga ganitong topic, naaalala ko yung Kalayaan dorm days ko–yung nung iniwan ako ng Mama ko roon, yung sinisilip ko yung books ng unang roommate ko na naunang mag-check in, yung mga unang meeting ng floor, yung dorm crush, hehe memories. Para sa amin, ang themesong ay Minsan (sa may Kalayaan ng Eraserheads). Pero para sa mga kabataang ito, PBB themesong.

Sino kaya ang tatagal? At panonoorin ba ninyo sila kahit nagiging exciting na ang “Jewel in the Palace”?

Sa ibang balita, pumanaw na raw si Chat Silayan.

Noong isang araw naman, may pinatay na namang Bayan Muna member sa Quezon province. At may balitang itutuloy ng DOJ ang kaso laban sa Batasan 6, na bloggers na rin.

0 Replies to “Pinoy Big Brother Teen Edition”

  1. medyo disappointed lang ako sa mga kinuha nila ngayon, i think naghahanap lang ang abs-cbn ng group of teen na ipantatapat nila sa GMA. nawala na yung essense ng big brother which is mixing different people with different culture. For me wala halos pinagkaiba ang mga housemate nila, wala akong nakikitang raquel, franzen or budoy sa kanila..

  2. cedric,

    mukhang intentional yata
    ang di paglalagay ng UP/UPIS.
    naku…dama ko delikado
    yang mahilig magluto
    at saka mamalengke..
    mabait at matalino..
    brilliant and looks
    enough to be….
    kung si rustom nga umamin!

    gari

  3. kinailangan yata kasi yung friendster… may interview sila sa studio 23, at kasama sa profile vtr yung “number of friendster friends”. pero anlabo, may dalawang account siya, lines of 2 lang naman ang friend count. pano naging tatlong daan sa vtr???

  4. anu po b required na taon na pwede sumali dyan kasi po 13 years old pa lang me pero eto po ha lagi po ako sumusubaybay sa ABS-CBN opo totoo un kasi po pangarap ko maging artista o singer pero mas hilig ko singing pero ma hiyain po ako eh ehehehehehe pangarap ko po maging singer or artista

  5. papa kilala ko po ang aking sarili

    ako po c rafael circe

    13years old

    ang hilig kong gawin kumanta

    ang idol ko po c garry V

    favorite song ko po sana maulit muli

Leave a Reply