Parke ni Bonifacio

Lagi naming nadaraanan ang monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Balintawak kapag pabalik kami sa Maynila galing Pampanga. Ngunit di gaya ng bantayog ng ibang mga bayani — gaya ng kay Gat Jose Rizal sa Luneta, halimbawa — o ng mas malaking Bonifacio monument sa Grace Park, Kalookan, ang nasa may Balintawak ay parang hitsurang napabayaan. O pinabayaan.

Hindi nililinis ang paligid. Luma ang mga watawat. Parang monumento limot na bayani. At tinatambayan ng mga walang matirhan sa lunsod. Sa unang tingin, parang kawawa ang monumento. Pero kung pakaiisipin, di nga ba’t sa kanyang buhay, ang kasama ni Bonifacio ay ang masa? Di ba’t ayos lang na ang kanyang bantayog ay maging pahingahan at kanlungan ng mga kinakawawa ng lipunan?

Ano sa palagay ninyo? Ang ganitong kalagayan ba ng munting parke ni Bonifacio sa Balintawak ay pambabastos o pagbibigay-pugay sa kanyang alaala?


Related Entries:


Gusto mong mabasa sa email ang mga post ko? Sige, padadalhan kita sa tulong ng FeedBurner. Paki-enter ng iyong email address:

One Response to “Parke ni Bonifacio”

  1. Ambo says:

    Dapat nililinis man lang ang lugar na yan hindi yung pinagpupugaran ng mga naghihithit ng rugby ang nakikita ko sa tuwing nadaan ako jan. Sana naman pagtuunan ng pansin tulad din ng kay Jose Rizal.

    Ambos last blog post..Manny Pacquiao Wins Over Oscar Dela Hoya

Leave a Reply

CommentLuv Enabled