Paminsan-minsan, bilog ang mundo

Nakakaaliw ang laro ng panahon at pagkakataon.

Noong bata pa ako, cute na cute sa akin ang mga kadalagahan. Bata–as in paslit o musmos pa lamang ako noon. Kesyo guwapo raw ako, at ang malantik daw ang mga pilikmata ko. Palalakihin daw nila ako at ibo-boypren kapag nagbinata. Siguro’y nag-alala noon ang aking Mama dahil lagi akong kinukuyumos ng mga tao. Ayon pa sa “fans” ko noon, kamukha ko ang isang batang aktor na dahil sa husay sa pag-arte ay naging FAMAS awardee.

Siguro’y sadya akong jologs, o big deal talaga sa ating mga Pinoy ang magkaroon ng kamukhang artista. Kaya naman tuwing dumadalaw ako noon sa bahay ng kaibigan kong si Volet, sinisilip ko ‘yung litrato ng batang aktor na ginawang pabalat sa notebook at idinikit sa dingding ng bahay nila. Noong panahon niya sa That?s Entertainment, bukod kina Lilet, Billy Joe, Caselyn Francisco, at Chuckie Dreyfus, pinapanood ko rin siya. Tuesday group ata siya noon. Naiisip ko siguro noon asteeg ako, may kamukha akong artista!

Siguro’y sadya akong tsismoso, o dedicated na movie fan. Kaya kahit noong medyo lumalaki na ako, medyo curious pa rin ako sa kinahinatnan ng nanamlay na career ng dating batang artista. Noong high school ako, napanood ko siya sa telebisyon at natuwa nang hulaan siya ni Madam Rosa na muling magkakaroon ng mga proyekto. Sa panahong iyon, hindi na halatang naging magkamukha kami. Tila naiiwanan ko na siya sa kaguwapuhan! Samantala, medyo sumablay ang kilalang manghuhula dahil wala na akong masyadong narinig o napanood tungkol sa kanya mula noon..

Siguro’y sadya akong usisero, o isa lamang kaibigang ‘di nakakalimot. Kaya naman noong mag-i-enroll na ako a Unibersidad ng Pilipinas at ninanamnam ang unang excitement ng pagiging bagong isko sa pamamagitan ng paghahanap sa pangalan ko sa nakapaskil na listahan ng incoming freshman, hinanap ko rin ang pangalan ng dating batang aktor, na ayon sa bali-balita ay kumuha rin ng UPCAT. Pero mukhang hindi siya nag-Peyups. Nitong mga nakalipas na taon, naging subject siya ng malulupit na tsismis ng mga taong nabubuhay sa paggawa ng kuwentong kutsero at pagkakalkal ng dumi ng ibang tao.

Siguro’y sadya akong jologs, o masugid na tagasubaybay lamang ng Pinoy Pop culture. Kaya naman noong nag-aaral pa ako sa UP, inaabangan namin ng kaibigan kong si A ang pagdaan ni Jolina Magdangal sa tapat ng silid na pinagkaklasehan namin. Inisip pa nga yata naming mag-sit in sa klase ng ilang kabarkada namin dahil classmate nila ang sikat na Ang TV kid.

Siguro?y concerned lang ako, o sadyang pakialamero. Pero nang lumipat si Jolina sa AMA, nagulat ako. Sa isip-isip ko, ala?y nasa UP ka na, pupunta ka pa sa AMA. Pero ganyan talaga. Baka na-bad trip lang ako dahil nabawasan kami ng kaeskwelang artista.

Pero sabi ko nga, nakakaaliw ang laro ng panahon at pagkakataon.

Ngayong nagtatrabaho na ako sa Kapuso Network, siyempre?y araw-araw ko nang nakakasalubong maging ang mga maniningning na bituin ng pinilakang tabing. Kamakailan lamang, nalaman kong liliban ng ilang araw ang newscaster na si Pia Guanio, ang nagbabalita ng Chikka Minute para sa 24 Oras news broadcast ng GMA-7. At dahil si Jolina ang napiling pansamantalang papalit, ?di gaya ng dating inaabangan pa namin si Jolina, ngayo?y andiyan lang siya sa kabilang cubicle at kausap ang mga boss namin,

Noong isang linggo naman, nang kakain na kami ng girlfriend ko sa aming canteen, wala kaming makitang maupuan kaya nakiupo na lang kami sa isang grupo. Habang kumakain kami, may ipinabasang mensahe ang aking natatawang lakambini. Kaharap ko na pala ang batang aktor na sinasabing kamukha ko noong bata pa ako! At oo, hindi na kami magkawig man lamang ngayon!

Bilog din pala minsan ang mundo. Ang mga dating pinapanood ko lang sa telebisyon at inuusyoso mula sa malayo, nagtatrabaho rin ngayon sa istasyong pinagsisilbihan ko.

0 thoughts on “Paminsan-minsan, bilog ang mundo

  1. Pingback: Jolina Magdangal, blogger na | ederic@cyberspace

  2. Pingback: Jolina Magdangal, blogger na | ederic@cyberspace

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>