Palaban

Photobucket - Video and Image Hosting

Manood tayo mamayang gabi–pagkatapos ng Saksi–ng Palaban, ang bagong show nina Winnie Monsod, Malou Mangahas, at Miriam Quiambao sa Kapuso Network. Kakaiba ang kumbinasyon ng mga host ng Palaban: isang ekonomista, isang investigative journalist, at isang beauty queen.

Kakapanayamin ni Mareng Winnie–dating NEDA director general, beteranang public affairs host ng GMA-7, at prof ko sa isang Econ subject sa UP– ang mga pinakamatitinik na personalidad sa pulitika at negosyo. Para sa unang episode, kukumustahin ni Mareng Winnie si Virgilio “Hello Garci” Garcillano.

Sisilipin naman natin kasama ni Malou Mangahas–respetadong peryodista–ang buhay at pamumuhay ng mga public figures. Maghahatid din siya ng investigative stories na magbubunyag sa mga maanomalyang proyekto ng gobyerno, pati na ang mga tao sa likod ng mga ito. Ngayong gabi, bibisitahin ni Ma’am Malou ang tahanan nina Rep. Francis Escudero at Sec. Mike Defensor. Aalamin niya kung gaano kamamahal ang kanilang mga kasuotan at libangan, at kung paano nila nagagawang bayaran ang mga ito.

Isang dating lider estudyante sa UP, si Ma’am Malou ay isa sa mga tagapagtatag ng Philippine Center for Investigative Journalism. Dati namin siyang editor sa Manila Times. Sa kasalukuyan, siya ang Vice President for Research and Content Development ng GMA-7 at patnugot ng GMANews.tv.

Makikita rin sa Palaban ang pagbabagong-bihis ni Miriam Quiambao (na paborito ng pinsan kong si Jay) mula sa pagiging dating Binibining Pilipinas at pagho-host ng reality TV show tungo sa pagtalakay sa mga mas seryosong usapin gaya. Si Miriam, na isa ring World Vision advocate for children’s rights, ay maghahatid sa atin ng iba’t ibang usapin gaya ng kahirapan at gender issues. Mamayang gabi, makikisalamuha siya sa mga babeng workaholic sa araw at tomotoma sa gabi.

0 thoughts on “Palaban”

  1. nanood ako d ader nigth, isa sa episode ninyo ang pork barel ng mga congresman,ako ay sang ayon sa inyo sa mga pulitiko na naglalagay ng pangalan nila na mas malaki pa sa pangaln ng proyekto mismo….. dito sa amin sa DAVAO DEL SUR. ay karaniwan na mababasa at makikita sa kung saan – saan ang pangalan ng aming mahal na congresman, kung kayo ay magagawi dito sa amin, mababasa ninyo ang “CAGAS COUNTRY” ako po y napa-isip kung ang aming lugar po ba ay nabili ng aming congressman…..

    marami din po siyang proyekto, sa amin, ang d ko po matukoy kung san galing ang pera na binibili ng amibng congressman para sa mga highschools dito sa amin na umabot sa tig 100, 000.00 bawat isa o mahigit. akoy poy nagtataka kung bakit gayon na lamang ka laki o ka mahal ang mga computer na iyon, ng aking minsan na nasuri, ito ay maaaring mabili sa halagang 20-25 thuosand lamang. ano kaya sa palagay ninyo sa mga bagay na ito??????

    GOD BLESS po sa programa, lagi po ako nagpupuyat para manuod lamang……. sana po ay d ma lathala ng matagal ang kumento kong ito sa inyong webpage, at hihingi po ako ng personal na email ninyo, sana po.

Leave a Reply