Pagbabalik sa ederic.net

Nasa ederic.net na ang ederic@cyberspace. Paki-update po ang inyong links at bookmarks.

Nabawi ko na kasi ang pinakauna kong domain name pagkatapos ng may limang taon. Matapos na di ko ito ma-renew noong 2004, nagpalipat-lipat ito sa kamay ng mga naging intresado sa halaga ng noo’y maraming incoming links nito. Kamakailan ay binitawan na ang ederic.net ng pinakahuling may-ari dahil sa lumiit bilang ng links papunta rito.

Para mabawi ang ederic.net, kinailangan ko itong i-backorder. Para itong pagpapareserba. Sa oras na mag-expire ang domain name, sisikapin ng domain registrar na mai-rehistro ito para para sa nag-backorder. Sa kaso ko, matagumpay na nakuha ng SnapNames.com ang ederic.net, pero may dalawa pa silang customers na intresado rin dito. Nagkaroon ng bidding. Di na itinaas ng dalawang iba pa ang bid nila, kaya ako ang nagwagi.

Enero 2001 nang i-anunsiyo ko noon na ederic.net na ang domain name ko. Lumipat ako sa ederic.com, tapos ay bumalik sa ederic.net hanggang sa hindi ko na ito nai-renew. Basahin ang buong kuwento sa Cybersenti (2).

3 Replies to “Pagbabalik sa ederic.net”

Leave a Reply