OpenID at Flickr sa ederic@cyberspace

Dahil sa sobrang daming spam at makulit na comments, binago ko ang settings ng ederic@cyberspace para ang makakapag-comment lang ay iyong mga naka-login na registered users. Kaya kapag gusto mag-comment at di mo makita ang comment form, kailangan mong mag-register.

Pero paano kung bad trip ka na sa sobrang daming passwords na kailangang i-memorize at ayaw mo nang idagdag pa ang isang set para sa blog ko? O kung tinatamad ka lang mag-register?

Walang problema. Dahil sa External Identities plugin ni Dan Coulter na ini-install ko, puwede mo nang gamitin ang OpenID at Flickr account mo para makapag-login. Kung mayroon kang account sa WordPress.com, LiveJournal, o Technorati, mayroon ka nang OpenID account. Puwede ka ring kumuha ng bagong account. (Click here for details.)

Subukan ninyo, at pakipaalam sa akin kung hindi kayo nahirapang gamitin ito. 🙂

3 thoughts on “OpenID at Flickr sa ederic@cyberspace”

  1. Medyo mahirap mag-login gamit ang wordpress.com open ID, may error na lumalabas, sabi mag-login daw ako sa wordpress.com eh nakalogin naman ako?! Hehe. Flickr na lang tuloy ginamit ko. =P

Leave a Reply