Kung adik ka sa FunWall, SuperPoke at (fluff)Friends ng Facebook–at meron ka ring Friendster o Orkut account–mukhang mas magiging busy ka sa mga susunod na araw.
Inaasahang ilulunsad bukas ng Google ang OpenSocial (abangan ang pagla-live). Ayon sa website na TechCruch, ito’y isang set ng application programming interface (API) na magagamit ng mga developer para lumikha ng mga application na gagana sa alinmang social network na tatanggap sa OpenSocial.
Sa ngayon, ang mga kasali na ay Friendster, LinkedIn, Hi5, , Plaxo, Ning, at siyempre, Google’s very own Orkut–add n’yo ‘ko).
Kung masyadong techie, at mahirap ma-gets, isipin ninyo na lang na kapag gumagana na ito at ginamit ng mga gumawa ng (fluff)Friends ang open social, puwede mo nang pakainin o i-pet ang Fluffy pet mo, nasa Orkut ka man, o nasa Friendster o sa alinman sa mga nabanggit na social networking sites. Sosyal ang OpenSocial, di po ba?
Sa ngayon, hindi pa kasali ang Facebook, kaya sa ating halimbawa, tila magiging ibang pet ang nasa Facebook at ang maaaring likhain gamit ang OpenSocial.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…
October 1, 2022
Marissa Flores named jury member at 2022 International Emmy Awards
GMA Network Consultant for News and Public Affairs Marissa L. Flores has been…
May 29, 2022
Oracle Red Bull Racing to bare 2022 NFT set at Monaco F1
Oracle Red Bull Racing launches its second NFT collection at the Monaco Grand…
Teka, may Orkut ka na ba? Hehe.
Sabi nila, mas viable daw kasi ang advertising proposals ng microsoft kesa sa google. =P
Haha. In any case, naguguluhan na rin naman ako sa facebook, sana huwag mauwi sa ganun ang friendster. Nakakahilo!
Nagulat nga ako nung mabalitaan ko ‘yung pagbili ng Microsoft sa ilang sapi ng Facebook. Dinedma nila ang Google. :p
Hindi talaga muna kasama ang Facebook sa OpenSocial dahil kabibili lamang ng Microsoft sa ilang porsyento nito. Hehehe
Kompetisyon na naman sa pagitan ng Google at Microsoft ang dahilan. 😉
@aajao: Orkut ka na kasi. :p
@manilenya: Friends na ba tayo roon? 😀
speaking of Orkut, tagal ko na pala di nadadalaw yun…anu na nga ba password ko dun? lol!
penge pong talumpati tungkol sa online friends networking partikular yung orkut. kailangan ko po NOW na pls pls pls… mememorize-in ko pa kase eh. ire-recite ko na po sa lunes. 😛
biro lang po kuya ederic. hehe… ako Friendster lang meron at hindi na nagparehistro pa sa iba’t-ibang online friends networking (and dating) sites. hehe.. pero syempre, kaniya-kaniyang trip lang yan eh 😀
Orkut! Orkut! Hehe.
Haha dahil ba maraming google employees ang lumilipat sa facebook? At bigo silang makakuha ng share sa facebook? Haha. Kung anuman, ayus yan basta google! Iintayin ko yan sa Friendster. =P
Talagang mega-promote ka pa rin sa orkut ah? Hahaha