Open sosyal

Kung adik ka sa FunWall, SuperPoke at (fluff)Friends ng Facebook–at meron ka ring Friendster o Orkut account–mukhang mas magiging busy ka sa mga susunod na araw.

Inaasahang ilulunsad bukas ng Google ang OpenSocial (abangan ang pagla-live). Ayon sa website na TechCruch, ito’y isang set ng application programming interface (API) na magagamit ng mga developer para lumikha ng mga application na gagana sa alinmang social network na tatanggap sa OpenSocial.

Sa ngayon, ang mga kasali na ay Friendster, LinkedIn, Hi5, , Plaxo, Ning, at siyempre, Google’s very own Orkut–add n’yo ‘ko).

Kung masyadong techie, at mahirap ma-gets, isipin ninyo na lang na kapag gumagana na ito at ginamit ng mga gumawa ng (fluff)Friends ang open social, puwede mo nang pakainin o i-pet ang Fluffy pet mo, nasa Orkut ka man, o nasa Friendster o sa alinman sa mga nabanggit na social networking sites. Sosyal ang OpenSocial, di po ba?

Sa ngayon, hindi pa kasali ang Facebook, kaya sa ating halimbawa, tila magiging ibang pet ang nasa Facebook at ang maaaring likhain gamit ang OpenSocial.

9 Replies to “Open sosyal”

  1. Haha dahil ba maraming google employees ang lumilipat sa facebook? At bigo silang makakuha ng share sa facebook? Haha. Kung anuman, ayus yan basta google! Iintayin ko yan sa Friendster. =P

    Talagang mega-promote ka pa rin sa orkut ah? Hahaha

  2. penge pong talumpati tungkol sa online friends networking partikular yung orkut. kailangan ko po NOW na pls pls pls… mememorize-in ko pa kase eh. ire-recite ko na po sa lunes. 😛

    biro lang po kuya ederic. hehe… ako Friendster lang meron at hindi na nagparehistro pa sa iba’t-ibang online friends networking (and dating) sites. hehe.. pero syempre, kaniya-kaniyang trip lang yan eh 😀

  3. Hindi talaga muna kasama ang Facebook sa OpenSocial dahil kabibili lamang ng Microsoft sa ilang porsyento nito. Hehehe

    Kompetisyon na naman sa pagitan ng Google at Microsoft ang dahilan. 😉

  4. Sabi nila, mas viable daw kasi ang advertising proposals ng microsoft kesa sa google. =P

    Haha. In any case, naguguluhan na rin naman ako sa facebook, sana huwag mauwi sa ganun ang friendster. Nakakahilo!

Leave a Reply