Nokia 7110

Ayoko na sa Nokia 5110 ko. Lagi itong walang signal. Naaalala ko ‘yung gagong tao na nangnenok ng dating celfon ko. Saan man siya naroon, sana’y mawalan din siya ng signal. Hehehe. Bilang na ang maliligayang oras niya kapiling ang telepono ko. Ipapa-block ko na ang unit na iyon sa Globe at Smart. Bwahahaha! Naghahanap ako ngayon ng mumurahing 7110. Wala akong pambili ng mga bagong modelo; di ko makakaya ang mga MMS na ‘yan.

Hay, tulungan ninyo akong maghanap.

0 thoughts on “Nokia 7110

  1. yung boss ko binebenta ang 8850/8890 (di ko alam kung ano ang pagkakaiba) for P5,000 lang. P20,000 yata ang bili niya dito, wala pang 2 years. Binibenta niya kasi me bago na siyang phone. PM or YM mo ako kung interesado ka po.

  2. baka may gustong bumili ng 7110. all original with charger. ung housing nya malinis. im selling it for 2,000. its a version 5.01. if u are interested, call or text me at 09204009112.

Post a reply