Sabi ko kanina sa Plurk at Twitter ko, may natutunan akong bagong language rito sa Singapore: Nawawalasa Singapura. Mas mas madali ito kaysa sa Bahasa Maynila. :p
Paano ko natutunan ito? Ganito kasi yun: nung uwian na, nagkasundo kami ng kasamahan ko na sumakay na lang ng bus. Usually, naglalakad lang ako. Mahilig kasi akong maglakad. Saka malapit lang naman. Pero naisip kong mag-bus na lang dahil may sakbit akong backpack at may bitbit na dalawang bag sa magkabilang kamay (Naalala ko bigla yung “bakuot na” saka “may sunong, may may kikik, may pasak pa sa puwit!” na sinasabi ng matatanda sa amin sa Marinduque).
So sige, bus na lang kami. Sabi niya, bus number 36 ang sinasakyan nila pabalik sa hotel, pero dun sa kabilang bus station yun. Ako naman kako, 111 ang sinakyan dati, sa station na pupuntahan namin ngayon. At dahil sa pagkakaalam ko, nauunang dumaan ang bus sa station na madalas nilang sinasakyan before sa station na madalas ko namang tambayan, naisip kong okay lang na sumakay na rin kami sa 36. Mukhang agree naman siya.
So, nakasakay na rin kami ng bus number 36. Pero nagtaka siya, bakit parang kakaiba ang dinaraanan. Mayamaya pa, nahalata ko rin na medyo lumalayo kami. Nawawala ang mga familiar na building. Naglabas na kami ng mapa, pero medyo obvious na sa aming dalawa by that time na mali ang nasakyan namin. Na-confirm ko ito nang tanungin ko ang driver. Kailangan daw naming bumaba at sumakay sa same bus number na papunta sa opposite direction.
It turned out na yung bus 36 na sinasakyan nila sa kanilang bus station ay papunta sa isang direction, at yung 36 na dumaraan sa aking bus station ay papunta naman sa kabila. So yun.
Pero nangyari na rin sa akin yan nang minsang nag-iisa ako pauwi. Dahil umuulan, sumakay ulit ako sa bus na kapareho ng binabaan ko. (Sosyal nga pala ang mga bus dito sa Singapore. Ita-tap mo lang yung wallet mo sa may device sa pinto pag papasok at lalabas ka, at yun na yung pamasahe mo. Pero dapat, may prepaid card ng ezlink sa wallet mo.) Akala ko, iikot lang at makakarating din ulit sa pinanggalingan ko. Kaso, hindi pala. Mapupunta pala sa dulong bus station, and from there, kailangang maghintay muna na may umalis pabalik.
Eh, medyo naiihi na ako noon. So, habang naghihintay, hanap muna kako ako ng rest room. Nalibot ko ata ang buong palengke bago ako nakakita ng bayarang CR. By that time, medyo “juicy blogger” na ako — ibig sabihin, pawisan. Medyo patakbo ako nang bumalik sa bus station. Nakahinga ako nang maluwag nang lumakad na ang bus sa ruta pabalik sa hotel ko.
Kaso, eto na. Nang malapit na ako sa bus stop near my hotel, iniisip ko na marami ring bababa roon. So tambay lang ako sa tapat ng pinto. Eh, parang walang balak tumigil si Manong driver. So lapit ako sa kanya. Natarayan tuloy ako. Dapat daw pindutin ko yung button to indicate na bababa ako. Ang naisip ko na lang, “Ah, eh, sabi ko nga po.”
At sa ganyang paraan, sa pinaghalong adventurismo at konting katangahan, natutunan ko ang Nawawalasa Singapura. Ang lesson dito: “I got dirty, I got stinky, but see I learned.”
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 10, 2024
Agoda, Tourism Promotions Board partner to promote Philippines
The partnership showcases the Philippines as a must-visit destination.
May 30, 2024
Catch the magic of World of Frozen on Disney+
Two World of Frozen titles coming on June 7.
May 9, 2024
Special offers await Manila Hotel guests this May
Check out The Manila Hotel's Mother's Day deals.
[…] maligaw noong Martes, kinabukasan ay naganap ang malungkot na pangyayari sa kumpanya. Bakit ba laging may […]
Mabuti’t sa Singapore ka lang nawala. Kung sa Melbourne ka maliligaw, tiyak na mas mahaba pa ang kuwentong ito — sa laki ng nasabing lunsod! 😀
Hi-tech kasi sa Singapore and disiplinado pa mga tao. BTW, nice story… 😀
Kenneths last blog post..Rock-Rakan, Tugtugan Ngayong Kapaskuhan
san ang get together ng mga pinoy bloggers sa sg?
makoys last blog post..Top Box Office as of November 16, 2008
turista ka talaga forever sa singapore. hehehe
sabihin mo lang sa driver pag medyo malapit ka na bumaba at di mo napindot yung bus stop button: ‘uncle, can go down lah?’