Nasungkit 'yung Ederic.net

Sad naman. May nakabili na pala ng domain name kong ederic.net. Hindi ko kasi nabayaran agad. Ganun din ang nangyari dati sa ederic.com. Wala akong magagawa kundi manatili rito sa www.ederic.tk o kaya naman ay ilipat ang ederic@cyberspace sa www.ederic.fil.ph, na ngayo’y pinaglalagakan ko ng Titik ni Ederic, koleksiyon ng mga isinulat ko.

Daan pala kayo sa Tinig.com–kaka-update ko lang. Sana ‘di mabili ng iba ang Tinig.com domain kapag nag-expire ito. Ahh, ‘di ko dapat hayaang mag-expire. Ang hirap maging mahirap pero nangangarap na ang domain names ay manatiling hawak.

0 Replies to “Nasungkit 'yung Ederic.net”

  1. ok lang yan tol, ganyan talaga.. ako rin malapit nang maexpire yung zentanglement.com na domain ko.. marami pa akong ibang mga domain names na kailangan imaintain… buti na lang and organizational yung mga ibang websites kaya yun, marami ring nagdodonate para mabuhay ang site.

Leave a Reply