Nang Dahil sa PageRank

Kanina pa ako namamasyal sa mga kapit-blogs ko. Ipinagkakalat kong ang ederic@cyberspace ay nasa www.ederic.fil.ph na.

Gusto kong maganti dun sa dumale sa dating domain name ko na ederic.net. Porke mataas ang PageRank, pinag-intresan para mapagkakitaan. Dinaan sa paramihan ng pera. Ngayon, ang aim ko ay maalis sa Internet kahit 90% lang ng links papuntang ederic.net. Tingnan natin kung i-renew pa ‘yan ng mga lokong ‘yun kapag 0 na ang PageRank. Aminado akong natukso rin akong pagkakitaan ang domain dahil sa PageRank nito nung broke na broke ako. Pero in the end, nanghinayang din ako. Pero dahil nga nangyari na ito, abangan ko na lang na ito’y maging available ulit.

At para sa mga nagtataka kung ano ba ang PageRank na ipinagmamarakulyo ko rito, daan kayo rito o sa link na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *