Nanalo ako sa Auction.ph

100_1748Isa ako sa unang batch ng mga nanalo ng P300 e-money sa Php15,000 e-Money Giveaway ng Auction.ph. Puwede pang sumali. Mag-blog lamang tungkol sa contest at maglagay ng link papunta sa Auction.ph.

Dahil sa pagkakapanalong ito, nagkaroon ako ng dahilan para i-post ang larawan sa kaliwa na kuha sa harapan ng tanggapan ng Auction.ph sa Mimosa Leisure Estate sa Clark Field, Pampanga.

Nang mag-overnight kami noong Mayo sa Mimosa para ipagdiwang ang kaarawan ni Trinie, pamangkin ni Mhay at inaanak ko, syempre’y pumasyal kami sa lugar. Nang makita ko ang logo ng Auction.ph, nagpakuha ako ng litrato. Natutuwa kasi ako sa site dahil nanalo ako ng DVD player sa One-Peso Auction promo nila.

Bale ito na ang pangalawang panalo ko sa Auction.ph. Salamat sa kanila at kay Abe ng Yugatech.com, ang isa sa mga endorser ng Auction.ph.

7 thoughts on “Nanalo ako sa Auction.ph”

  1. uy kuya ederic salamt sa pagbisita sa bhay ko ha.. pang billbord ng edsa ang pics mo dito ah.. panalo.. merry xams.. sayo paayos mo na ung karakas mo ng marinig kong tumunog. ang galing ng subasthang yan.. mkasali nga ako minsan.

Leave a Reply