Naka-leave

Naka-leave ako ngayon hanggang sa Biyernes. Patung-patong ang mga nakapila kong gawain.

Maya-maya, pupunta ako sa bangko. Balak ko ring dumaan sa UP para sa alumni card at dumaan sa library para sa isang article na tatlong buwan ko nang proyekto. At oo, pipilitin kong mahabol ang mga nakabinbing sulatin.

Maglilinis ako ng silid, na tila bodega na naman kahit kakalipat ko lang dito.

Mag-a-update ako ng blogs, gaya nitong ederic@cyberspace, na ilang linggo nang walang bago. (Ang Tinig.com nga lang halos ang gumagalaw dahil ito ang inaatupag ko pagkauwi sa bahay nitong mga nakalipas na araw. (Salamat sa mga datihan at bagong contributors na aktibong nagsusulat ngayon.)

Kailangan ko na talagang matutong magsulat nang mabilis: mag-type nang walang typo; mag-edit ng isinulat ko nang di napapariwara ang pagkakabuo ng mga pangungusap dahil sa nawala o di napalitang salita.

Samantala, sibat muna ako. Sisimulan ko na ang mga dapat kong gawin.

3 thoughts on “Naka-leave”

Leave a Reply